Eddie Garcia nagpakita ng ‘minimal brain activity’ | Bandera

Eddie Garcia nagpakita ng ‘minimal brain activity’

Ervin Santiago - June 19, 2019 - 05:51 PM

EDDIE GARCIA

NAGPAKITA ng “minimal brain activity” ang award-winning actor na si Eddie Garcia, ayon sa doktor niya sa Makati Medical Center.

Nasa critical condition pa rin hanggang ngayon ang veteran actor-director. Ito na ang ika-12 araw niya sa ICU ng Makati Medical Center mula noong maaksidente siya sa taping ng upcoming series ng GMA na Rosang Agimat.

Base sa latest medical bulletin na inilabas ng kanyang doktor na si Dr. Regina Macalintal-Canlas, naka-ventilator pa rin si Manoy Eddie para sa maayos nitong paghinga.

Narito ang update sa kundisyon ng beteranong aktor base sa Medical Bulletin #5 ng Makati Med: “Mr. Garcia continues to be in critical condition.

“He remains dependent on the ventilator to breathe and medications to support his blood pressure.

“His latest electroencephalogram (EEG) study showed minimal brain activity.

“Visitors are strictly limited to prevent complications from occuring.”

Sa kasalukuyan ay nasa “Do Not Rescusitate Status” o DNR pa rin si Manoy, ibig sabihin pumayag ang pamilya ng aktor na hindi na ito i-revive kapag kusa nang tumigil sa pagtibok ang kanyang puso.

Samantala, wala pa ring inilalabas na announcement ang GMA 7 hinggil sa isinagawa nilang imbestigasyon sa aksidenteng kinasangkutan ni Manoy, kabilang na ang tanong ng marami kung bakit walang naka-standby na medical staff at ambulansiya sa taping ng Rosang Agimat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending