Epektib na kontrabida siguradong patay agad sa teleserye kapag nahuling lasing | Bandera

Epektib na kontrabida siguradong patay agad sa teleserye kapag nahuling lasing

Cristy Fermin - June 19, 2019 - 12:00 AM

TANDANG-TANDA pa ng mga staff at crew ng isang produksiyon ang ginawang pagpapahirap sa kanila ng isang male personality nu’ng naghahabol sila sa panahon para maisali ang kanilang proyekto sa isang malakihang kumpetisyon.

Magaling ang male personality, ang pag-arte niya ay walang makakukuwestiyon, pero ang malaking problema ay ang kanyang ugali.

Kuwento ng aming source, “Grabe ang sakripisyong inabot sa kanya ng buong production dahil sa sobrang katigasan ng ulo niya! Magaling nga siyang umarte, pero naman!

“Kahit anong bawal ang gawin sa kanya sa makasaysayan niyang bisyo ng pag-inom, e, wala siyang pinakikinggan!

Dumarating siyang lasing na at inom pa rin siya nang inom habang nagtatrabaho?

“Nakalagay sa isang tumbler ang paborito niyang alak, wala siyang pakialam na mamam nang mamam habang working siya.

“Amoy na amoy siya ng mga kasamahan niya, inis na sa kanya lalo na ang mga babaeng artista, grabeng indulto ang ginawa sa kanila ng lalaking ‘yun!” unang chika ng aming impormante.

Nu’ng sobrang langolya na ang male personality ay hindi na siya makapagdayalog, ngenge na nga kasi siya, kaya para matapos na lang ang eksena dahil naghahabol sila ay nakaisip ng paraan ang isang staff.

“Patuloy ng aming source, “Pinapunasan siya ng staff, malamig na tubig, para magising siya sa kalasingan. Tapos, naglagay sila ng malaking idiot board in bold letters talaga!

“Malalaki talaga ang mga letra, pentel pen ang ginamit, para lang mabasa ng lasing na aktor na napakatigas ng ulo. Pahirapan ang eksenang ‘yun! Lasing ang mokong, natagalan ang shoot!

“Ngayon niya gawin ang ganu’n at siguradong todas siya agad sa seryeng kasali siya. Napakahigpit pa naman ng lider-lideran nila du’n! Minsan lang siyang dumating nang senglot sa location, e, siguradong pagbuburulan na ang character niya sa susunod na taping nila, pinatay na siya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I-try lang niya, subukan lang niya, kahit gaano pa siya kagaling na kontrabida sa seryeng ‘yun, e, siguradong tegi siya!” pagtatapos ng aming source.

Naku naman, kailangan pa ba ng clue para lang matumbok n’yo kung sino ang male personality na ito? Go na, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday (magpalakas kayo, Tito Abel!), Jon at Ching Bautista Silverio, hula na kayo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending