Seth Fedelin hindi sinuwerte sa PBB Otso pero inuulan agad ng swerte sa ABS-CBN | Bandera

Seth Fedelin hindi sinuwerte sa PBB Otso pero inuulan agad ng swerte sa ABS-CBN

Dominic Rea |June 18,2019
facebook
share this

Seth Fedelin hindi sinuwerte sa PBB Otso pero inuulan agad ng swerte sa ABS-CBN

Dominic Rea - June 18, 2019 - 06:00 PM

ABOT-LANGIT ang kaligayahang nararamdaman ngayon ng baguhang teen actor na si Seth Fedelin matapos pumirma ng 2-year exclusive contract sa ABS-CBN.

Hindi man pinalad mapabilang sa PBB Otso Big Teen Four ay umaariba na ngayon ang kanyang career. Sunud-sunod ang trabaho ngayon ng bagets mula sa mga out of town shows, mga guesting sa iba’t ibang programa ng

Kapamilya Network at maging sa pelikula.

Kasalukuyan din siyang napapanood sa afternoon series na Kadenang Ginto ng Dreamscape Entertainment at waiting na lang ang binata kung kelan naman ipalalabas ang natapos na niyang movie with Beauty Gonzales.

Dagsa rin ang fans and followers ni Seth sa social media mula sa iba’t ibang panig ng mundo – umabot na sa 762K ang kanyang followers sa Instagram habang 200K na ang nagpa-follow sa kanya sa Twitter.

Dinudumog din ang kanyang out of town shows kaya naman ayon sa ilang kasamahan sa panulat, hindi malayong two years from now ay sikat na sikat na ang binatang Kabitenyo!

Ayon kay Seth nang huli ko siyang makausap, wala siyang ibang pangarap ngayon kundi ang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya kaya raw ganoon na lang ang pagpupursige niya sa kanyang career.

Pagdating naman sa projects, naging vocal si Seth sa pagsasabing walang problema kahit kanino man siya itambal.

Wala siyang pipiliin dahil mas alam ng Kapamilya Network kung ano ang makakabuti sa kanya.

Tungkol naman sa sikat na sikat na tambalan nilang dalawa ni Andrea Brillantes sa seryeng Kadenang Ginto, nais lang niyang magpasalamat sa fans nila ni Andrea.

Ang isa pang dapat ipagpasalamat ni Seth ay ang magagandang feedback na kanyang natatanggap mula sa mga katrabaho niya. Hindi pa man daw ganoon kahinog umarte ang binata pero may puso raw ito sa bawat atake niya sa kanyang ginagampanang mga role. Natural daw itong umarte at hindi pilit!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At sa pagkukumpara naman ng madlang pipol sa boses niya kay Daniel Padilla, natural na boses ito ni Seth at naninindigan siyang hindi niya kinokopya si DJ pero aniya, iniidolo rin niya ang binata at malaki ang respeto niya rito.

Siyempre, mas gusto niya ang magkaroon ng sariling identity sa mundo ng showbiz. Yun na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending