AIZA payag makipaghalikan kay CHARICE
PAYAG si Aiza Seguerra na magbida sa isang teleserye na katomboyan naman ang magiging tema. Patok na patok kasi ang beki serye na My Husband’s Lover ng GMA 7 na tumatalakay nga sa buhay ng mga bading.
Sa isang event natanong si Aiza kung willing ba siyang magsama sila ng tinaguriang Hottest Lesbian in the World na si Charice sa isang proyekto tungkol sa buhay ng mga tibo.
“Ako, sa totoo lang, kasi right now, I’m part of a show (Be Careful With My Heart), di ba? And I’m happy du’n sa sitwasyon namin sa show na iyon. Kasi ang role ko is a lesbian mom.
“I’m happy kasi for the first time in many, many years na ngayon lang yata nagkaroon ng lesbian mom. At nakikita nila na, ‘Uy, hindi naman pala iba.’ So, mas nagkakaro’n ng wider acceptance.
So, siguro if there’ll be a show tungkol sa lesbians or anything, siguro I’ll welcome it. I’ll be very, very happy,” tuluy-tuloy na sey ni Aiza.
( Photo credit to google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.