Sawsawerong male personality walang ginawa kundi mangnega: Nakakaawa s’ya! | Bandera

Sawsawerong male personality walang ginawa kundi mangnega: Nakakaawa s’ya!

Cristy Fermin |June 14,2019
facebook
share this

Sawsawerong male personality walang ginawa kundi mangnega: Nakakaawa s’ya!

Cristy Fermin - June 14, 2019 - 12:45 AM

SAWSAW-SUKA. Mema lang. Kahit ano lang, kahit anong kuda lang, basta makasawsaw lang. Ganu’n kung ilarawan ng kanyang mga dating katrabaho ang isang nagkakaedad nang male personality.

Palibhasa’y wala nang pinagkakaabalahan ngayon ang nagkakaedad nang male personality, siguro’y nag-aabang na lang siya ng kahit anong isyung puwede niyang pakisawsawan.

Kuwento ng isang source, “Nu’ng isang araw, e, siya ang topic habang nagkukuwentuhan ang mga dati niyang katrabaho sa isang network. May mga naaawa sa kanya, pero mas marami ang naiinis, kasi nga, sobrang nega na niya!

“Imagine, kahit hindi naman hinihingi ang opinion niya, e, bigay siya nang bigay, post siya nang post para lang magmukhang relevant pa rin siya!

“Du’n sa malaking umpukang nagkukuwentuhan, e, may isang nagkuwento na talagang walang-wala na ngayon ang male personality, marami siyang pinag-aplayan ng work, pero walang kahit isang kumuha sa kanya.

“Kasi nga, di ba, super-nega naman kasi siya. Lahat na lang, e, pinanghihimasukan niya, bigay siya nang bigay ng comment na puro nega ang dating!” napapailing na chika ng impormante.

Walang sinisino ang nagkakaedad nang male personality dahil kahit ang kanyang mga dating katrabaho ay inuupakan niya. Wala siyang pakialam kung meron man siyang masaktan at masagasaan.

Patuloy ng aming source, “Nakakahiya ang mga pinaggagawa niya, kasi, hindi naman siya pinakikialaman ng mga dati niyang katrabaho, pero siya, kuda nang kuda!

“May mga inilalabas pa siyang revelations na siya lang naman ang naniniwala, pinagtataasan lang ‘yun ng kilay ng mga nagbabasa sa mga posts niya!

“Kahit ang mga network na pinagtrabahuhan niya, ninenega rin niya, saan ka naman makakakita ng ganu’n na hindi marunong tumanaw ng utang na loob?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Naku, hanggang ganyan na lang talaga siya, wala na siyang maaasahang kukuha pa sa serbisyo niya, dahil sa kanegahan niya!

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilala n’yo kung sino ang nagkakaedad nang male personality na ito. Palagi lang siyang anino nu’n ng ka-team niyang female personality, sa totoo lang!” pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending