Song Joong Ki bibida sa sci-fi film ‘Lighting Ship’ | Bandera

Song Joong Ki bibida sa sci-fi film ‘Lighting Ship’

Bandera |June 14,2019
facebook
share this

Song Joong Ki bibida sa sci-fi film ‘Lighting Ship’

Bandera - June 14, 2019 - 12:25 AM

SONG JOONG KI AT KIM TAE RI

KOREAN word of the week: “Meolli” – sa Ingles ito ay “far” at sa atin naman ay “malayo.”

Matapos umere ang bagong serye ng Korean superstar na si Song Joong Ki na Arthdal Chronicles, nakatakda rin siyang bumida sa sci-film na “Lighting Ship”.

Huling napanood si Joong Ki sa blockbuster movie na “The Battleship Island” noong 2017.

Gaganap si Joong Ki bilang Tae Ho, isang piloto na mahirap pa rin kahit na ginagawa na niya ang lahat para sa pera. Makakasama niya rito ang isa sa pinakamagaling na young actress sa Korea na si Kim Tae Ri.

Gaganap si Tae Ri bilang Sun Jang. Kabilang sa mga past project ni Tae Ri na pawang naging hit ay ang “The Handmaiden” (1987), “Little Forest” at “Mr. Sunshine.”

Isa namang savage housekeeper ang role ni Jin Seon Kyu bilang Tiger Park. Kabilang naman sa mga hit projects ni Seon Kyu ang “The Outlaws” at “Extreme Job.”

Makakasama rin dito ang magaling na aktor na si Yoo Hae Jin.

Sinasabing 10 taon ang ginugol ng director na si Jo Sung Hee para sa “Lightning Shop” na magsisimula ang shooting sa Hulyo.

Ongoing pa rin ang Arthdal Chronicles ni Joong Ki kasama ang isa pang Korean superstar na si Jang Dong Gun at magaling na aktres na si Kim Ji Won.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending