‘Identity’ ng girlfriend umano ni Song Joong Ki ibinuking ng fans, isa palang British actress? | Bandera

‘Identity’ ng girlfriend umano ni Song Joong Ki ibinuking ng fans, isa palang British actress?

Pauline del Rosario |December 30,2022
facebook
share this

‘Identity’ ng girlfriend umano ni Song Joong Ki ibinuking ng fans, isa palang British actress?

Pauline del Rosario - December 30, 2022 - 11:03 AM

‘Identity’ ng girlfriend umano ni Song Joong Ki ibinuking ng fans, isa palang British actress?

MUKHANG tapos na ang guessing game kung sino nga ba ang mysterious girl na nakabihag sa puso ng South Korean star na si Song Joong Ki.

Kung kamakailan lang ay nabalitaan natin na isang non-showbiz British woman ang bagong love life ng aktor, aba, tila mali pala ito.

Dahil ang kasalukuyang dine-date ni Joong Ki ay isa palang British actress at siya ay si Katy Louise Saunders.

Ang chika na ‘yan ay ayon sa ilang Korean media outlets, pati na rin sa mga nahalukay na clues ng ilang fans.

Lumitaw ang mga espekulasyon na nakikipag-date si Joong Ki kay Katy matapos banggitin ito ng aktor sa naganap na APAN Star Awards ceremony sa South Korea noong September 29.

Sa nasabing event ay napanalunan ng aktor ang “Daesang (Grand Prize)” para sa hit K-drama na “Vincenzo” at diyan siya nagkaroon ng acceptance speech.

Dahil sa pagkakataon na ‘yan ay nasabi niya ang pangalan ni Katy.

“And my beloved Katy, Nalla, Maya and Antes. All of our friends who blessed us. I just want to say, I sincerely love you,” sey ng 37-year-old na aktor.

Ayon sa Korean publishing newspaper na Yeongnam Ilbo, ang tinutukoy ni Joong Ki sa kanyang talumpati ay ang British actress at ang kanyang mga furbabies.

Noong December 26 nang maging usap-usapan sa social media ang pagkumpirma ng talent agency ng Korean actor na may kasalukuyan itong dine-date matapos ang tatlong taong divorced.

Matatandaang opisyal na naghiwalay si Joong Ki sa dating asawa na si Song Hye Kyo noong 2019.

Nagsimula ang kanilang pag-iibigan nang magtambal ang dalawa sa 2016 hit drama na “Descendants of the Sun.”

Taong 2017 nang ikinasal sina Joong  Ki at Hye Kyo sa Seoul, South Korea.

Related chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Song Joong Ki may bagong lovelife, currently dating sa isang non-showbiz British woman

Dimples Romana personal na na-meet si Song Joong Ki, may selfie pa

Indonesian na may ‘British accent’ viral sa TikTok, may milyon-milyong likers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending