Matteo, Sarah pagtatambalin sa remake ng Pedro Penduko? | Bandera

Matteo, Sarah pagtatambalin sa remake ng Pedro Penduko?

Reggee Bonoan |June 14,2019
facebook
share this

Matteo, Sarah pagtatambalin sa remake ng Pedro Penduko?

Reggee Bonoan - June 14, 2019 - 12:05 AM

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

TOTOO kaya ang nasagap naming balita na si Matteo Guidicelli na ang napiling magbida sa remake ng “Pedro Penduko” ng Viva Films?

Kung matatandaan, nag-backout ang aktor na si James Reid para gumanap na Pedro Penduko sa bagong movie version nito due to health concerns kaya balitang magpapa-audition din ang Viva Films para pumalit sa binata.

Narinig namin ang pangalan ni Matteo sa usapan ng isang film executive at mga taga-Viva, at may may napili na nga raw silang gaganap na Pedro Penduko at iaanunsiyo na ito very soon.

Pwedeng totoo ang balitang ito dahil talent na ngayon ng Viva Artists Agency si Matteo.

Isa pang naringgan namin mula sa isang taga-Viva na kung may pagbibigyan sila ng “Pedro Penduko” ay sa sarili na nilang kuwadra para mas makamura sila ng talent fee dahil kung hindi Viva talent ang bibida rito, siguradong tataas din ang talent fee nito.

Naalala naming matunog din ang pangalan ni Marco Gumabao na puwedeng gumanap sa “Pedro Penduko,” pero ang sagot sa amin ng isang source, “Dapat kasi funny, seryoso si Marco, eh.”

Hmmm, sino pa ba ang mga lalaking artista ng Viva bukod kina Marco at Matteo?

Nandiyan si Xian Lim pero parang malabo ito sa ngayon dahil may pelikula siyang “Untrue” kasama si Cristine Reyes na ngayong July na ang playdate. Bukod dito may iba pang ginagawa ang binata.

Napag-alaman din namin na hindi lang “Pedro Penduko” ang gagawin ng Viva, may iba pang local superheroes din ang naka-line up sa kanila. So, mala-Marvel at DC ang plano ng nasabing movie outfit.

Going back to Matteo, sino naman kaya ang bagay na leading lady niya? Siyempre, marami ang magre-request na sana’y pagsamahin ni Boss Vic del Rosario ang real life couple na sina Matteo at Sarah Geronimo. Sigurado raw na magiging blockbuster ang “Pedro Penduko” kung pagtatambalin dito for the first time ang magkarelasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At sino naman kaya ang bagay na maging kontrabida niya, si Marco o si Sam Concepcion?
Abangan na lang ang announcement ng Viva tungkol dito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending