Blackwater Elite asinta ang ika-6 panalo, solo liderato | Bandera

Blackwater Elite asinta ang ika-6 panalo, solo liderato

Melvin Sarangay - June 13, 2019 - 08:44 PM

Laro Biyernes (June 14)
(Mall of Asia Arena)
4:30 p.m. San Miguel Beer vs Blackwater
7 p.m. Magnolia vs NLEX

MAHABLOT ang ikaanim na panalo ang puntirya ng Blackwater Elite kontra San Miguel Beermen sa kanilang 2019 PBA Commissioner’s Cup elimination round game ngayong Biyernes sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Hindi lamang ang ikaanim na panalo ang puntirya ng Elite kundi pati na rin ang solo liderato sa pagsagupa nila sa Beermen na habol ang unang panalo sa kumperensiya sa kanilang alas-4:30 ng hapon na laro.

Susundan naman sila ng laro sa pagitan ng Magnolia Hotshots at NLEX Road Warriors ganap na alas-7 ng gabi.

Asinta ni Blackwater coach Aris Dimaunahan at Elite ang ikatlong diretsong pagwawagi at ikaanim na panalo sa pitong laro na maglalapit din sa kanila sa pagkubra ng silya sa quarterfinals.

Ang Elite, na tangan ang 5-1 kartada, ay pinamumunuan ng import nitong Alex Stepheson at No. 2 overall pick Bobby Ray Parks Jr. at manggagaling sila sa 132-106 panalo kontra NLEX Road Warriors.

Ang Beermen ay magmumula naman sa dalawang sunod na pagkatalo na natamo mula sa NorthPort Batang Pier (121-88) at TNT KaTropa (110-97).

Aasahan naman ni San Miguel Beer coach Leo Austria ang import nitong si Chris Rhodes at si five-time season Most Valuable Player June Mar Fajardo para mauwi ang kanilang unang panalo.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending