Kiray: Dati may araw na asin lang ang ulam namin…

June 13,2019
share this

Kiray: Dati may araw na asin lang ang ulam namin…

June 13,2019
share this


SAKALING hindi na masyadong active si Kiray Celis sa showbiz, siguradong may fallback na siya na mapagkukunan ng extra income.

Sa isang panayam, ibinalita ng komedyana (Johanna Ismael sa tunay na buhay) na okay na okay ang resto business niyang Chicks and Fins na isang taon na ngayong tumatakbo. Sa katunayan, this year ay plano na niyang magbukas pa ng isa pang branch.

Ginagawa ni Kiray ang lahat para makapag-ipon at makapagpundar ng ari-arian for her future. Alam na alam daw kasi niya ang hirap ng buhay kaya kayod lang siya nang kayod.

Sa mga hindi pa nakakaalam, sa tabi ng ilog dati nakatira sina Kiray at isa lang ang kuwarto ng kanilang bahay.

“Sobrang hirap lang po talaga namin na kailangang pumuntang ibang bansa ng papa ko para lang magkaroon kami ng pera,” pahayag ni Kiray sa programang Tunay Na Buhay.

“Hindi masarap ang pagkain namin. Minsan na-try namin na asin lang yung pagkain namin,” aniya pa.

Kaya nang mapanood ang announcement sa isang TV para sa isang kiddie show sinamantala na ito ni Kiray at maswerte naman na nakapasa siya sa audition.

In fairness, talagang sinuwerte nang bonggang-bongga si Kiray sa kanyang career, lalo na ngayong nasa GMA 7 na siya dahil sunud-sunod ang mga programa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending