Dingdong nagpakatotoo na: Mas takot kay Marian kesa sa terror na direktor

June 13,2019
share this

Dingdong nagpakatotoo na: Mas takot kay Marian kesa sa terror na direktor

June 13,2019
share this


MAS takot si Dingdong Dantes sa asawang si Marian Rivera kesa sa isang direktor na kilalang terror at palasigaw kapag nasa taping or shooting.

Ito ang inamin ng Kapuso Primetime King sa “Unknown Questions” game ni Kyline Alcantara para sa Inside StarStruck. Sey ni Dong, magalit na sa kanya ang lahat ng direktor huwag lang ang kanyang misis na si Marian, “Siyempre dapat kay Marian (matakot).”

Ang Inside StarStruck ni Kyline ay ang online show para sa season 7 ng StarStruck to be hosted naman by Dingdong and Jennylyn Mercado sa GMA 7 na magsisimula na ngayong Sabado, June 15.

Sa nakaraang mediacon ng StarStruck natanong si Dingdong kung kaya ba ng kanyang misis na si Marian na mag-survive sakaling sasali ito sa Kapuso original artista search.

“I think so yes!” mabilis na sagot ng aktor. Dagdag niya, “Kapareho noong experience ko when I first saw her, kasi hindi naman kami nagkatrabaho kaagad.”

“Nakita ko siya sa back stage ng isang studio, so doon pa lang nakita ko very interesting na ‘yung kanyang aura, siguro dahil sa kanyang appearance.

“Pero noong nakita ko na siya mag-perform, e, mas na-validate ‘yung hinala ko na may ‘something’ dito sa taong ito,” paliwanag pa ni Dingdong.

Ganito rin daw ang napi-feel niya kapag may nakikita siyang artista hopeful na may malaking potential to make it big sa showbiz, “Parang ganun, di ba, kapag nakita mo ‘yung isang hopeful, ‘yung unang bubungad sa iyo ‘yung kanyang pisikal na kaanyuan.

“Pero kapag sinupplement na niya ng totoong talent and ng totoong kakayahan, e, mas nabubuo ‘yung katotohanan na he or she can make it,” chika pa ng mister ni Marian.

Sa unang sultada pa lang daw ng reality artista search ng GMA ay may magaganap nang tanggalan. At para piliin at salain ang mga hopefuls, nandiyan ang Council members na sina Heart Evangelista, Cherie Gil at Jose Manalo.

Ngayong Sabado na makikilala ang masusuwerteng nakapasok sa season 7 ng StarStruck after Daddy’s Gurl. Mapapanood din ito tuwing Linggo, kasunod ng Daig Kayo ng Lola Ko sa GMA 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending