Coco dinalaw si Manoy sa ICU; SPEEd nag-alay ng dasal

June 13,2019
share this

Coco dinalaw si Manoy sa ICU; SPEEd nag-alay ng dasal

June 13,2019
share this


DINALAW na raw ni Coco Martin ang veteran actor-director na si Eddie Garcia na comatose pa rin habang sinusulat namin ang balitang ito.

Ayon sa isang taong malapit kay Coco, ipinagdarasal din ng aktor na sana’y magkamalay na si Manoy na naka-confine pa rin sa Intensive Care Unit ng Makati Medical Center.

Isa si Manoy Eddie sa pitong nominadong best actor sa 3rd Eddys (Entertainment Editors’ Choice) ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) para sa “Rainbow’s Sunset.”

Nag-alay din ng dasal ang SPEEd para sa award-winning actor. Narito ang official statement ng SPEEd hinggil sa kalagayan ni Manoy: “The honor was ours to award him as an Icon of Philippine Cinema at last year’s Eddys Awards.

“Tulad po ng sabi ninyo, ‘Mabuhay Tayong mga Eddys!’

“Mahal namin kayo Tito Ed!”

Samantala, wala pang inilalabas ang GMA 7 na official statement tungkol sa isinagawang imbestigasyon sa pag-collapse ni Eddie Garcia sa taping ng upcoming primetime series na Rosang Agimat noong Sabado, June 8.

Base sa medical reports, nagkaroon ng fracture sa leeg ang aktor na naging sanhi ng kanyang pagka-comatose. Iniimbestigahan din ng GMA kung totoong walang naka-standy na medical team at ambulansiya sa taping ng action-drama series na Rosang Agimat.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending