NANANATILING si 1-Pacman Rep. Mikee Romero ang pinakamayamang kongresista batay sa 2018 Statement of Assets Liabilities and Networth.
Si Romero ay mayroong 7.933 bilyong assets at utang na P75 milyon o networth na P7.858 bilyon. Noong 2017, ang networth ni Romero ay P7.291 bilyon.
Pumangalawa naman si Negros Occidental Rep. Albee Benitez na mayroong P1.017 bilyong networth (P1.230 bilyong assets at P214.3 milyong liabilities).
Dalawa sa 291 kongresista ang bilyonaryo sa noong 2018 at pito lamang ang hindi kabilang sa Millionaires Club ng Kamara.
Pangatlo naman sa pinakamayaman si Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos na may P923.8 milyong networth.
Sinundan siya nina dating Speaker at Quezon City Rep. Feliciano Belmonte Jr. (P864.8 milyon), Manila Teachers Rep. Virgilio Lacson (P793.9 milyon), Marikina Rep. Bayani Fernando (P748 milyon), Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo Jr. (P714.6 milyon), Batangas Rep. Vilma Santos-Recto (P555.3 milyon), Leyte Rep. Yedda Romualdez (P487.6 milyon), at House Speaker at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo (P479.5 milyon).
Ang mga kongresista naman na hindi kasali sa listahan ng milyonaryo ay sina Anakpawis Rep. Ariel Casilao (P913,351), ACT Teachers Rep. France Castro (P912,809), Diwa Rep. Pepito Pico (P680,000), Gabriela Rep. Arlene Brosas (P518,660), Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado Jr. (P515,659) Kabayan Rep. Paul Hernandez (P340,000) at ang pinakamahirap ay si Kabataan Rep. Sarah Elago (P85,400).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.