John Lloyd, Bea nagkrus ang landas sa El Nido, Palawan

By Dr. Hildegardes Dineros June 12,2019
share this

John Lloyd, Bea nagkrus ang landas sa El Nido, Palawan

By Dr. Hildegardes Dineros June 12,2019
share this

MULING nagkrus ang landas ng dating magka-loveteam na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Kumalat sa social media ang litrato ng dalawa na kuha sa El Nido, Palawan. Siyempre, na-excite ang fans nina Bea at John Lloyd nang makita silang magkasama uli after almost two years.

Isa sa mga litratong nakita namin ay ang kuha nina Bea at John Lloyd sa Barotuan Church, El Nido, Palawan kung saan may kasama silang isang babae na pinaniniwalaang tagaroon.

Makikita si Bea na nakasuot ng maikling palda at off shoulder blouse habang si Lloydie naman ay naka-shorts at short sleeves polo.

 

Wala namang sinabi ang nag-post ng picture kung aksidente lang ang pagkikita ng dating magka-loveteam o talagang sinadya ni Bea na makipagkita sa aktor na ilang taon na ring pahinga sa showbiz.

Isa si Bea sa mga kaibigang celebrities ni John Lloyd ang nagsabing excited na siyang makatrabaho uli ang kanyang perennial loveteam.

Ni-repost at pinusuan din niya ang teaser ng “pagbabalik” ni John Lloyd para sa isang endorsement, ito ngang pagiging celebrity endorser ng isang shawarma brand.

Nilagyan pa ito ni Bea ng caption na, “Poy, ikaw ba yan?” na ang tinutukoy ay ang karakter ni Lloydie sa blockbuster movie nilang “One More Chance”.

Last na nagkita sina Bea at John Lloyd sa Star Magic Ball sa Makati Shangri-La Hotel, noong Sept. 30, 2017.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending