Dapat bang managot ang GMA sa nangyari kay Manoy?

By Alex Brosas June 12,2019
share this

Dapat bang managot ang GMA sa nangyari kay Manoy?

By Alex Brosas June 12,2019
share this

EDDIE GARCIA AT CHRISTOPHER DE LEON

Pinalagan daw ng pamilya ni Eddie Garcia ang naunang report ng GMA na nagkaroon ng heart attack ang senior actor during a taping sa isang teleserye nito for the network.

Lumalabas kasi na napatid ang veteran actor sa isang eksena sa GMA teleserye.

Galit na galit ang netizens sa network for allegedly making it appear na heart attack ang nangyari kay Sir Eddie gayong hindi naman.

“Kitang kita sa VIDEO na NATISOD siya hindi siya na heart attack at sinabi ng doctor na may injury siya sa LEEG. So GMA sinungaling pa more?”

“Hugas kamay ang GMA pinalabas nilang heart attack para di sila ang sisihin sa kapabayaan nila sa set ng shooting nila.”

Netizens also believed that there’s negligence on GMA’s side dahil walang medical assistants na naka-standby, walang stretcher or ambulance.

“No 1 kuno sila, pero kaligtasan ng mga artista nila hindi nila inuuna. No. 1 nga naman sila, no. 1 sa kakulangan ng proper treatment sa mga artista.”

“Andoon na tayo sa hindi sinasadya, aksidente lang ang nangyari. Pero may pananagutan pa rin ang GMA sa nangyari dahil sa kapabayaan nila. Nung bumagsak si Manoy ni isang medic walang lumapit yung mga nagbubuhat kay Manoy yun yung mga extra lang. Dapat may first aid man lang.”

Sinisisi ng netizens ang GMA production dahil may isa na ring scenario na naaksidente dati si Christopher de Leon sa isang eksena sa isang teleserye. Dapat daw ay natuto na ang network at napaghandaan na nila ang mga ganitong scenario.

Naglabas na ng official statement ang GMA about this at pinaiimbestigahan na raw nila ito.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending