Jose sa AlDub: Sweet pa rin sila, naghaharutan, nagbibiruan

By Bandera June 12,2019
share this

Jose sa AlDub: Sweet pa rin sila, naghaharutan, nagbibiruan

By Bandera June 12,2019
share this

MAINE MENDOZA, ALDEN RICHARDS AT JOSE MANALO

Nag-uusap at maayos pa rin ang relasyon nina Alden Richards at Maine Mendoza. Yan ang sinabi ni Jose Manalo nang makausap ng press sa media launch ng StarStruck.

Hindi raw totoo na nag-iiwasan ang dalawa at pinaghihiwalay na ng Eat Bulaga, “Sa Eat Bulaga kasi, siguro, iyong portion namin—maraming portion sa Bulaga—so bawat host, binibigyan sila ng kanya-kanya.”

Dagdag pa ng TV host-comedian, “Pero noong time naman na magkasama, minsan kasama rin namin sila sa Juan for All. Mas madalas…siguro, sa isang linggo, isang beses, dalawang beses, kasama namin sila.”

“Hindi naman siguro pinaghihiwalay.

Parang mga bata yung dalawang yun pag nag-uusap, nagbibiriuan,” chika pa ng isa sa mga uupong judge ng ng StarStruck Season 7.

Posible pa bang magkaroon ng bagong season ng Kalyeserye sa Bulaga? “Hindi natin masabi. Maraming pwedeng mangyari

Kasi, mamaya, eto na uli, di ba? So, wala akong nakikitang hiwalayan o pinaglalayo yung dalawa. Hindi siguro gagawin!”

May pagbabago ba sa AlDub?

“Nagbago, lalo si Maine. Nagbago, kasi gumaling lalo si Maine. Sa hosting, lumabas na yung galing ng bata. Ganu’n din si Alden, hindi natin matatawaran.

“Pero yung pagbabago para sa kanila, kung itinatanong ninyo yung sweetness nila, yung sweetness, nandoon, e! Naghaharutan pa rin yung dalawa!” pahayag pa ni Jose.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending