Sibakan sa NAIA nakaamba matapos ang naranasang aberya
SINABI ng Palasyo na may mga masisibak sa Ninoy Aquino International Airport sa harap naman ng nangyayaring pagkadelay ng mga flights sa NAIA.
Sa isang briefing, idinagdag ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na mismong si Pangulong Duterte ang nagpahiwatig ng balasahan sa NAIA matapos magsagawa ng sorpresang inspeksyon sa Terminal 2 ng paliparan.
“He just hinted about a revamp,” sabi ni Panelo.
Ayon pa kay Panelo, dismayado si Duterte dahil sa mga aberya sa NAIA.
Kasabay nito, sinabi ni Panelo na pinamamadali na ni Duterte na ang pagbubukas ng Sangley Airport sa Cavite para sa mga domestic flights.
“For implementation na iyon eh. Parang nabanggit ni Secretary Tugade, if I’m not mistaken, parang… hindi ko alam kung he was referring to that, iyong December. Parang gusto ni Presidente…Hindi, masyadong nang matagal iyong December, November na lang,” sabi pa ni Panelo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.