'Nominees Night' para sa 3rd EDDYS ng SPEED kasado na | Bandera

‘Nominees Night’ para sa 3rd EDDYS ng SPEED kasado na

Ervin Santiago - June 10, 2019 - 12:30 AM

BAGO ang pinakahihintay na Gabi ng Parangal, magsasama-sama sa gaganaping nominees night ang mga nominado sa 3rd EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Sa pakikipagtulungan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), bibigyan ng pagkilala ang lahat ng mga no-minado sa paglalabanang 14 kategorya sa June 15, 6:30 p.m., sa Annabel’s Restaurant, Tomas Morato Avenue, Quezon City.

Personal na ipamamahagi ng mga opisyal ng SPEEd at ng FDCP, sa pangunguna ni Chairperson Liza Dino, ang certificates of no-mination.

Samantala, ang 3rd EDDYS naman ay gaganapin sa July 14 sa New Frontier Theater (dating KIA Theater).

Ang Cignal TV ang isa sa major sponsors/presenters ng 3rd EDDYS habang ang Echo Jham Entertainment ang hahawak sa production, sa pangunguna ng direktor na si Calvin Neria.

Mapapanood ang kabuuan ng awards night sa Colours Channel ng Cignal TV sa July 21.

Nominado bilang pinakamagaling na pelikulang Pilipino ang “Citizen Jake,” “Goyo,” “Liway,” “Rainbow’s Sunset” at “Signal Rock.”

Ang mga direktor namang sina Chito Roño (Signal Rock), Jerrold Tarog (Goyo), Joel Lamangan (Rainbow’s Sunset), Kip Oebanda (Liway) at Mike de Leon (Citizen Jake) ang mag-aagawan sa best director trophy.

Para sa best actress category, maglalaban-laban sina Angelica Panganiban (Exes Baggage), Glaiza de Castro (Liway), Gloria Romero (Rainbow’s Sunset), Judy Ann Santos (Ang Dalawang Mrs. Reyes), Kathryn Bernardo (The Hows of Us), Nadine Lustre (Ne-ver Not Love You) at Sarah Geronimo (Miss Granny).

Magpapatalbugan naman sa pagka-best actor sina Piolo Pascual (Ang Panahon ng Halimaw), Carlo Aquino (Exes Baggage), Christian Bables (Signal Rock), Daniel Padilla (The Hows of Us), Dingdong Dantes (Sid & Aya), Paolo Contis (Through Night & Day) at Eddie Garcia (Rainbow’s Sunset).

Bukod sa major acting at technical awards, anim na special awards din ang ipamimigay ng EDDYS: Ang Joe Quirino Award, na igagawad sa TV-radio host-columnist na si Cristy Fermin; Manny Pichel Award para sa entertainment columnist/talent manager na si Ethel Ramos; Rising Producers’ Circle Award na ipagkakaloob sa Spring Films at T-Rex Entertainment; Producer of the Year para sa Star Cinema; Lifetime Achievement Award sa premyadong direktor na si Elwood Perez; at ang posthumous recognition para sa Comedy King na si Dolphy.

Bibigyang-parangal din sa ikatlong taon ng EDDYS ang 10 movie icons na sina Amalia Fuentes, Vilma Santos, Tirso Cruz III, Christopher de Leon, Joseph Estrada, Eddie Gutierrez, Dante Rivero, Celia Rodriguez, Anita Linda at Lorna Tolentino.

Bilang bahagi naman ng selebrasyon ng sentenaryo ng pelikulang Pilipino, kikilalanin din ng SPEEd at ng FDCP ang ilang “unsung heroes” sa likod ng kamera sa EDDYS “Parangal sa Sandaan,” na ia-anchor ng TV host-journalist na si Lourd de Veyra.

Honorees dito ang mga manggagawa na patuloy na nag-aalay ng ‘di matatawarang oras, lakas at talento upang pagandahin ang isang proyekto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang pagbibigay ng award ng SPEEd ay isang paraan para hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na bigyan ng inspirasyon ang Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pang kasama sa pagbuo ng isang matino at de-kalidad na pelikula.

Ang SPEEd ay samahan ng mga entertainment editor ng major broadsheets and tabloids sa bansa, sa pangunguna ni Ian F. Farinas bilang presidente. Si Isah Red ang chairman emeritus ng organisasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending