Kilala ko po si RAYMART, hindi niya kayang saktan si CLAUDINE! – RANDY | Bandera

Kilala ko po si RAYMART, hindi niya kayang saktan si CLAUDINE! – RANDY

Julie Bonifacio - July 20, 2013 - 03:00 AM


NAGKAGULATAN kami ng  singer-TV host na si Randy Santiago sa backstage ng Wowowillie. It’s nice to see na balik na ulit ang tamis nang pagkakaibigan ni Randy at host ng programa na si Willie Revillame. Kabilang  si Randy sa kaagapay na hosts ni Willie sa noontime show niya sa TV5.

Bago pa man kami magkausap ni Randy ay may nagtsika na sa amin na posibleng siya muna ang humalili kay Willie kapag nagdesisyon ang Wowowillie host na magpahinga sa October. Hindi nga ba’t may tsika na hanggang October na lang ang show ni Willie? Na ‘di naman pinaniniwalaan na matutuloy.

Posible na magtuluy-tuloy pa rin daw ang show ni Willie even after October. Baka mapalitan lang ng title ang show or ibang format. So, habang iniiisip pa ang gagawing reformat sa show, e, baka raw mag-leave muna si Willie sa show at si Randy muna ang pansamantalang magho-host nito.

Tungkol naman kay Randy, masaya niyang ibinalita na tapos na niyang idirek ang reunion movie ng mga komedyanteng sina Andrew E., Dennis Padilla, Niño Muhlach at si QC Mayor Herbert Bautista na pinamagatang “Raketeros.” Sort of a comeback din ni Randy ang movie bilang direktor.

Siyempre, kinumusta namin sa kanya ang kalagayan ng youngest brother nila in the family na si Raymart Santiago. Okey daw si Raymart pero ‘di niya itinanggi na naging matindi talaga ang pinagdaanan nito sa pagsasama nila ni  Claudine Barretto.

Umiling si Randy sa isyu na may itinatagong video raw si Raymart laban kay Claudine. At kung meron man, sa tingin nila ‘di na ‘yun ilalabas pa ni Raymart. Hindi rin naniniwala si Randy na sinaktan ni Raymart si Claudine gaya ng espekulasyon ng iba nu’ng i-post ng aktres ang larawan sa social networking site na may pasa sa mukha.

“Hindi magagawa ni Raymart ‘yun. Kilala ko ang kapatid ko,” diin ni Randy. Saksi si Randy kung ilang beses umuuwi sa bahay ng kanilang magulang si Raymart sa tuwing nag-aaway sila ni Claudine. Malungkot daw ang kapatid niya sa tuwing umuuwi si Raymart sa bahay ng parents nila.

Tungkol naman sa annulment, wala pang sinasabi sa kanila si Raymart. But definitely, ‘di raw si Raymart ang magpa-file ng annulment case nila ni Claudine. Mukhang si Claudine ata talaga ang mag-aayos ng prosesong legal sa paghihiwalay nila ni Raymart.

( Photo credit to google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending