True ba, Vice Ganda, Ion Perez nagli-live in na? | Bandera

True ba, Vice Ganda, Ion Perez nagli-live in na?

Julie Bonifacio |June 09,2019
facebook
share this

True ba, Vice Ganda, Ion Perez nagli-live in na?

Julie Bonifacio - June 09, 2019 - 04:51 AM

HULING-HULI muli si Vice Ganda ng mga kasamang host sa It’s Showtime sa kanyang sinabi tungkol sa kanila ni Kuya Escort na si Ion Perez.

Sa “Kapare-Who” segment ay nabuking si Vice na kasama niya si Ion sa pagtulog. Kakakatsika kasi ni Vice kung anu-anong joke habang iniinterbyu si Ion at si Ate Girl Jackie ay nabisto tuloy sila.

Bida kasi ni Ion sa show gusto siya ng bestfriend ni Vice na laging nag-a-update sa kanya tuwing umaga ng mga ginagawa ng Unkabogable Star.

“Ano ang tine-text sa ‘yo ng best friend ko,” tanong ni Vice kay Ion.

Sagot naman ni Ion, “Good morning Ion. I love you.”

“Ah, talaga? Kaya pala pagkagising ko kanina kayo ang magkatsika,” paninita ni Vice kay Ion.

Sumingit naman ang kasamang host ni Vice sa Kapamilya noontime show na si Anne Curtis, “Saan?”

Hirit naman ng isa pang host ng show na si Vhong Navarro, “Saan-saan? ‘Pagkagising? Bakit?”

“Teka lang. Teka lang!” tili ni Vice sabay sabing, “Pagkagising ko, tumawag ako sa kanya. Busy.”

“Wala! Wala!” pambabara naman sa kanya ni Vhong.

“Hindi, tumawag ako sa kanya,” nabubulol na paliwanag ni Vice.

Earlier on the show, sinita na ni Vhong ni Vice tungkol sa suot niyang blazer at shorts. Wala raw suot na salawal si Vice at sinuot pa niya ang blazer ng boyfriend niya.

Tinanong pa ni Vice kung sino ba ‘yung boyfriend na sinasabi ni Vhong. Say naman ni Vhong, “Gusto mo sabihin ko pangalan niya?”

Idinaan na lang ni Vice sa sayaw ang panunukso sa kanya ni Vhong. Pero biglang pinatugtog ng DJ sa It’s Showtime ang music na madalas sinasayaw ni Ion.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Feeling ng marami, matagal na ngang may relasyon sina Vice at Ion, ayaw na lang nilang diretsong umamin para hindi na mabahiran ng kanegahan. Baka nga naman kapag umamin sila in public ay kaung anu-ano pang masasamang salita ang ibato sa kanila.

Gusto na lang naming maniwala na pinoprotektahan lang ng TV host-comedian ang kanyang boyfriend.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending