TATLONG katao ang nasawi at isang walong buwang sanggol na lalaki ang nasugatan nang pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang salarin sa loob ng sinakyan nilang kotse sa Sta. Rosa City, Laguna, Miyerkules ng umaga.
Nakilala ang mga nasawi bilang sina Milencio Patapat, Nestor Callanga, at Carlos Manimtim, ani Col. Eleazar Matta, direktor ng Laguna provincial police.
Dead on the spot si Patapat habang sina Callanga at Manimtim ay kapwa idineklarang dead on arrival sa ospital, ani Matta.
Ang kasama nilang sanggol, nakilala bilang si Carl Gabrielle Callanga, ay nilulunasan pa habang isinusulat ang istoryang ito.
Naganap ang insidente sa rotonda ng Brgy. Dita, dakong alas-8:30.
Pawang mga nasa loob ng isang Toyota Vios ang mga biktima, nang pagbabarilin ani Matta.
Inaalam pa ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, at motibo ng mga salarin, na agad tumakas matapos ang insidente, aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.