Sandara nag-tourist guide sa pamilya ni Joross sa Korea
HANGGANG ngayon pala ay super friends pa rin sina Joross Gamboa at Sandara Park.
Kahit ilang taon na ang nakararaan, napanatili, pa rin nila ang kanilang friendship na nagsimula sa talent search ng ABS-CBN na Star Circle Quest noong 2004.
In fairness, nagmistulang tourist guide ang K-Pop star at dating Kapamilya actress ni Joross na nagbakasyon kamakailan sa South Korea kasama ang kanyang asawa at dalawang anak.
Sa kanyang Instagram account, ibinandera ni Joross ang mga litrato na kuha sa bonding moments nilang mag-anak kasama ang Korean singer-actress.
Ninang ng isang anak ni Joross si Sandara at sabi nga ng Kapamilya actor, isa si Sandy sa mga iilang kaibigan niya na mula noon hanggang ngayon ay hindi pinagbago ng panahon kahit na nga super successful na sa career.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.