KUNG susuwertehin ang Kapamilya young actor na si McCoy de Leon, posibleng maabot din niya ang kasikatan ng Teleserye King na si Coco Martin.
Maraming um-agree kay Vice Ganda nang purihin niya ang binata sa guesting nito sa Gandang Gabi Vice last Sunday.
Nag-comment kasi ang Unkabogable Star matapos ang production number ni McCoy sa GGV kasama ang dalawa pang members ng Hashtags na sina Rayt Carreon at Wilbert Ross.
Ayon kay Vice, “Nakikita ko talaga sa ‘yo si Coco.” Sa kabila kasi ng kasikatan ngayon ng young actor ay napaka-humble pa rin nito. May kakaibang karisma rin daw ang binata na tulad ng taglay na “magic” ni Coco sa madlang pipol.
Super thank you naman si McCoy kay Vice at sinabing talagang idol na idol niya ang bida sa seryeng Ang Probinsyano.
“Idol ko yun si Kuya Coco, kasi napakabait, makamasa at talentado,” sey ni McCoy. Hindi lang sa Probinsyano nakatrabaho ng binata si Coco, nakasama rin niya ito sa pelikulang “Ang Panday” na naging entry noon sa MMFF.
Sa isang panayam, sinabi rin ni McCoy na saludo siya sa professionalism ni Coco at mas lalo raw siyang na-inspire magtrabaho at mas pagbutihin pa ang kanyang pag-arte dahil kay Coco.
“Masasabi kong nakaka-inspire kasi hindi ko lang siya nakita bilang direktor, nakita ko siya bilang aktor, bilang isang malikhain na tao. Sobrang talino, sobrang sipag.
“Ang masasabi ko lang siguro na actually wala akong masasabing flaws sa kanya kasi kung nakita mo talaga, ‘yung gusto talaga niya ginagawa niya,” pahayag pa ng binata.
Pero aminado naman ang dating boyfriend ni Elisse Joson na napakarami pa niyang dapat mapatunayan bago marating ang mga achievements ni Coco na talaga namang nagsimula sa wala hanggang sa maabot na ang tinatamasa niyang tagumpay ngayon.
Sabi pa ni McCoy, sako-sakong bigas pa ang kanyang kakainin para lang matawag na susunod na Coco Martin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.