Morissette puring-puri ni Will Smith; Disney composer naka-duet sa Japan
BONGGA talaga ang Kapamilya singer na si Morissette Amon, ha!
Ang wish niya na ma-meet up close and personal ang Hollywood actor na si Will Smith ay tinupad ng Walt Disney Studios at may bonus pa!
Nag-viral at umani ng milyun-milyong likes at views ang version nina Morissette at Darren Espanto ng “A Whole New World” na siyang theme song ng live action version ng Disney movie na “Aladdin” na pinagbibidahan nga ni Will Smith, ang gumanap na genie sa movie.
Dahil dito, inimbitahan ng Walt Disney Studios Philippines si Morissette na magtungo sa Tokyo, Japan para i-grant ang kanyang wish – to meet Will Smith in person.
Bukod diyan may bonus pang sorpresa sa kanya ang Disney dahil naka-duet pa niya ang legendary and Oscar-winning Disney composer na si Alan Menken.
Sabi ni Morisette, tulad ng halos lahat ng bata sa buong mundo, childhood dream din niya ang maging Disney princess, kaya nang mapili siya ng Disney PH para kumanta ng “A Whole New World” ay talagang abot-langit ang kaligayahan niya.
At mas lalo pa siyang na-excite nang papuntahin siya sa Japan para personal na makita si Will at maka-duet pa ang taong nasa likod ng ilan sa mga Disney’s timeless classics.
“A lot of kids in the Philippines grew up to your music – including myself. And it’s such an honor to be meeting you,” sabi ni Morissette kay Alan.
Personal namang ni-request ni Will na kantahin nina Alan at Morissette ang “A Whole New World“. Pinuri rin ng Hollywood actor ang boses ni Morissette.
Naikuwento pa ng 69-year-old composer na puring-puri rin ni Lea Salonga, na siyang original singing voice ni Princess Jasmine sa animated version ng “Aladdin” ang talent ni Morissette.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.