Paano makakaiwas sa atake sa puso | Bandera

Paano makakaiwas sa atake sa puso

Jun Mogol - June 03, 2019 - 08:00 AM


HIGIT sa heart aches, dapat din natin alalahanin ang ating puso kung ligtas ba siya sa heart attack.

Ayon sa World Health Organization (WHO), tatlo sa bawat 10 Pilipino ang namamatay dahil sa sakit na ito.

Lubhang nakababahala pero di tulad ng ibang sakit na mahirap lunasan, ang atake sa puso ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng disiplina sa sarili at pagbabago sa nakagawiang lifestyle.
Narito ang ilang maaaring gawin:

1. Kumain ng mga pagkaing mabuti para sa puso tulad ng mga prutas at gulay, mga karne na mayaman sa protina, at mga pagkaing may taglay na saturated fats gaya ng itlog at butter at monounsaturated fats gaya ng nuts at avocado.

Iwasan ang mga pagkain na nagtataglay ng mga refined carbohydrates gaya ng nasa tinapay at mga processed foods.

2. Ugaliing mag-ehersisyo. Maging physically active kahit sa mga simpleng paglalakad at pagbibisekleta.

Kung malapit lang naman ang pupuntahan, mas makabubuting lakarin na lamang ito upang matulungan ang iyong puso na maging malusog.

Ang paggamit ng hagdan ay malaking tulong din sa halip na sumakay sa elevator.

3. Panatilihing nasa normal ang bigat ang i-yong timbang. Ang pagiging overweight ay maaaring magdulot ng iba’t ibang problema sa kalusugan gaya ng pagkakaroon ng diabetes, heart attack at cardiovascular diseases.

4. Iwasang uminom ng alcohol drinks nang sobra. Gayong totoo na mabuti para sa puso ang red wine, limitahan din ang pag-inom nito dahil ang sobrang alcohol na mula rito ay maaaring makapagpataas ng blood pressure na makasasama sa puso.

5. Huwag manigarilyo at umiwas sa mga taong naninigarilyo dahil ito ay maaaring maging sanhi ng heart attack at stroke. Ang tobacco ay lubhang mapanganib sa kalusugan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending