Vice tinupad ang wish ng nanay ng TNT contestant
VICE Ganda made a mom happy recently sa It’s Showtime.
Tinupad kasi niya ang matagal nang wish ng mother ng isang Tawag Ng Tanghalan contestant na si Lui Tan Cada whose mom Ernie is a big Vice Ganda fan.
Nasa audience ang mama ni Lui na gusto palang makita nang personal at mayakap si Vice.
Nayakap naman niya si Vice pero hindi pa dito nagtatapos ang kanyang happiness. Vice gifted her with a sofa and a complete make-up line.
Walang pagsidlan ang tuwa ang mom ng contestant. Tuwang-tuwa rin ang netizens sa gesture ni Vice Ganda.
“Sana mameet kita meme Vice I really love your courage and love to your mommy Rosario. Take care po.”
“Ang bait talaga ni meme vice.”
“Wow naman swerte mo po.”
q q q
Pinag-usapan ang interview ni Awra Briguela sa Tonight With Boy Abunda.
Sa isa kasing segment called “Name the Famous Friend” ay walag kagatol-gatol na pina-ngalanan ni Awra ang ilang TV personalities na nagmark sa kanya.
When asked kung sino ang celebrity na nagbigay sa kanya ng 50,000 worth of clothes, agad-agad niyang kinuha ang photo ni Vice Ganda.
“Nu’ng nalaman ni Ate Vice na wala pa akong damit na pang-mall show, pinag-shopping niya ako,” he said.
When asked kung sino naman ang friend niyang naniwala na mas maganda siya kaysa dito, si AC Bonifacio ang picture na kinuha niya.
When asked kung sino ang nagsabi sa kanyang unprofessional siya, si Loisa Andalio ang sagot niya, sabay sabing biniro lang siya ng dalaga.
“Kami ni Loisa, kapag nagti-trip-trip kasi kami, sasabihin ni Loisa, ‘Hala, direk si Awra ang ingay, oh, unprofessional.’ Siyempre gaganti ako, ‘direk, si Loisa, oh, napaka-unprofesisonal. Ang tagal-tagal mag-on the set,” chika ni Awra.
Sa nasabing interview, in full bloom na ang kagandahan ni Awra, ha! He was wearing a flaming red gown matched by a knee-length pair of black boots.
Talagang wala na yatang makapipigil sa pagrampa ni Awra bilang mowdel!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.