School principal sinorpresa ni Ate Guy sa retirement party | Bandera

School principal sinorpresa ni Ate Guy sa retirement party

Alex Brosas - June 02, 2019 - 01:05 AM

NORA AUNOR

Walang pagsidlan ng tuwa ang isang school principal na magre-retire na dahil dumating sa kanyang retirement party si Nora Aunor.

Avid Noranian ang principal kaya naman may nag-effort para papuntahin ang Superstar sa kanyang party.

“Ms. Nora Aunor’s surprise visit to the retirement party of a Noranian school principal of Sitero Francisco Memorial National High School of Valenzuela City,” caption sa isang video na kuha sa party.

Ang daming humanga sa gesture ng Superstar. Talagang pinagkaguluhan siya ng mga teacher sa nasabing school. It’s not everyday naman na nakakasama mo ang Superstar, ‘no?

“Iyan ang the ONE AND ONLY SUPERSTAR! Very humble at napakabait that is why she is blessed in so many ways! God bless you more Ms. Nora Aunor!”

“The very best gift ever! Marami pong salamat, Ma’am La Aunor!”

“Wala pong mapaglagyan ang saya ng bawat isa po sa amin knina. Lubos lubos po na pasasalamat at pag pupugay po para sa nag iisang super star MS. NORA AUNOR. Hindi matatawaran ang ligaya at saya ni mam Marciana Daet. Patuloy pa din po sana kayong pag palain ng ating may kapal.

“Tunay ngang walang impossible sa paniniwala at panalangin sa maykapal. Mabuhay po kayo ate guy! Ilove you po. Mam Jen Donna Pergis Morera, salamat po sa tulong at pag gabay para mangyari ang bagay na tunay ngang hindi ko inaasahang mangyari. #MAYHIMALA.”

“Kudos to the faculty of Sitero NHS… damang dama namen un tremendous effort nyo para mapasaya si Ma’am Daet. Ang galing galing.”

“Thank u so much po Ms. Nora Aunor. Sobrang napasaya nyo po kaming lahat lalo n po ang aming mahal n principal Mam Marciana Daet.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending