Jolo nasa edad na para magpakasal, kaya nang bumuhay ng pamilya | Bandera

Jolo nasa edad na para magpakasal, kaya nang bumuhay ng pamilya

Julie Bonifacio |June 02,2019
facebook
share this

Jolo nasa edad na para magpakasal, kaya nang bumuhay ng pamilya

Julie Bonifacio - June 02, 2019 - 12:55 AM

JOLO REVILLA AT ANGELICA ALITA

PANAY ang display sa social media ng girlfriend ni Cavite Vice-Governor elect Jolo Revilla na si Angelica Alita ng picture niya habang suot-suot ang mamahaling diamond ring.

Duda ng iba, ‘yun na ang engagement ring na ibinigay sa kanya ni Jolo noong mag-propose ang actor-politician sa dating beauty queen nang magbakasyon sila sa Boracay ilang buwan na ang nakararaan.

First time lumabas ang picture ni Angelica na suot ang diamond ring ay nu’ng kasama niya si Jolo habang nasa isang bangka noong Holy Week.

If that’s the same ring at kung engagement ring na nga ‘yun, mukhang napakabilis ng mga pangyayari sa relasyon nina Jolo at Angelica.

Kasi siyempre kung engagement ring na ‘yun, kasal na ang kasunod.

Keri naman ni Jolo na pakasalan na si Angelica. Trenta na ang binata at stable na rin financially. Maybe ito na ang tamang panahon for Jolo na mag-settle down and to have a family of his own.

Matagal din naman ang panahon na pinaghintay ni Jolo sa ex-girlfriend niyang si Jodi Sta Maria. Kung ‘di kami nagkakamali, may anim na taon din na naging sila.

Pero ang tanong ng netizens ay kung magkano raw kaya ang halaga ng diamond ring na suot ni Angelica.

At kung engagement ring na ‘yun, kailan ang wedding?

May nang-intriga naman at nagtanong kung binigyan din ba ng engagement ring ni Jolo si Jodi noong kasagsagan ng kanilang relasyon?

And speaking of kasal, nangangarap na ang mga kaibigan ng TV host-actress na si Karla Estrada na makita siyang ikinakasal.

Hiniling kasi ng co-host niya sa morning show ng ABS-CBN na Magandang Buhay na si Melai Cantiveros na ikasal din one day ang ina ni Daniel Padilla. Habang si Jolina Magdangal naman daw ay may nai-imagine na kung ano ang magiging set-up ng wedding ni Karla.

Hindi lingid sa mga kaibigan ni Karla na meron na siyang someone special sa kanyang buhay pero kung hindi kami nagkakamali ay long distance ang kanilang relationship. But just the same, sabi nga ng kanta ng anak niyang si Daniel, na kay Karla na ang lahat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sobrang kuntento na siya sa buhay, pagdating sa aspetong pinansyal at lalo na sa mga anak niya na iba-iba ang tatay. Kaya mas magiging masaya raw siguro si Karla kapag ikinasal na siya sa lalaking minamahal.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending