Ryan Agoncillo pwedeng ipalit kay Regine sa The Clash season 2 | Bandera

Ryan Agoncillo pwedeng ipalit kay Regine sa The Clash season 2

Ervin Santiago |May 31,2019
facebook
share this

Ryan Agoncillo pwedeng ipalit kay Regine sa The Clash season 2

Ervin Santiago - May 31, 2019 - 06:34 PM

NAGSIMULA na ang pa-audition ng GMA 7 para sa pagbabalik ng reality singing search na The Clash.
At ngayon pa lang ay excited na ang Kapuso viewers na mapanood kung sinu-sino ang mga bagong contestants na magso-showdown every week sa The Clash Season 2.

Kamakailan ay nabalita nang sina Ai Ai delas Alas, Christian Bautista at Lani Misalucha pa rin ang magsisilbing judge sa programa pero wala pang ina-announce ang GMA kung sino ang papalit kay Regine Velasquez bilang host.

May kumalat na chika na isa sa mga pinagpipilian ng mga bossing ng network ay si Alden Richards na pwedeng-pwede naman dahil nahasa na nang bonggang-bongga si Alden bilang host ng Eat Bulaga at ng mga nakaraang special events ng Kapuso station.

At dahil nga wala pang announcement kung sino na ang magiging host ng The Clash Season 2 ay may isang fan-made YouTube channel, anga GMA Singers ang nagsasagawa ngayon ng poll kung saan maaaring mamili ang netizens kung suno ang nais nilang pumalit sa Asia’s Songbird.

Kabilang sa mga choices ang mga award-winning Kapuso singers na sina Aicelle Santos, Julie Anne San Jose, Rachelle Ann Go, at Kyline Alcantara.

Kung hindi kami nagkakamali, nangunguna sa pa-survey ng nasabing YouTube channel ang Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne.

Ilan pa sa mga pangalan na nabanggit ng mga netizens na posibleng mag-host ng show ay sina Maine Mendoza, Jennylyn Mercado at Lani Misalucha.

Samantala, may mga nabasa naman kaming comments na mas maganda raw kung lalaki na ang magho-host ng The Clash para hindi mag-suffer sa comparison kay Regine.

Sigurado raw kasing ikukumpara ang mapipiling female host sa Songbird lalo na sa pagbirit nito ng tagline ng show na “isa laban sa lahat!”

May isang nag-suggest na bakit daw hindi na lang si Ryan Agoncillo ang kunin ng GMA para maging bagong host ng The Clash, bukod daw sa gamay na gamay na ng mister ni Judy Ann Santos ang hosting, nahasa na rin ito nang todo noon sa pagho-host ng dating reality talent show ng TV5, ang Talentadong Pinoy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending