Tamang pagkuha ng driver’s license | Bandera

Tamang pagkuha ng driver’s license

Ira Panganiban - May 31, 2019 - 12:15 AM

KAGAGALING ko lang ng Nevada, USA dahil dumalo ako sa graduation ng aking anak na doon ay nag-aaral. Mag-17 anyos na siya kaya nga naisip ko na rin na baka puwede na siyang magsimulang mag-aral magmaneho.
So sinimulan ko ang proseso ng pagkuha ng student permit para makapag-operate ng kotse ang anak ko habang tinuturuan ko magmaneho tulad ng nakagawian natin dito sa Pilipinas.

Laking gulat ko nang sabihan ako na hindi basta maaaring kumuha ng student permit ang isang bata kung nais na nilang magmaneho o matutong magmaneho. Mahaba at masalimuot pala ang proseso.

Dito ko naisip kung bakit sa ibang bansa ay may disiplina ang mga driver at sa atin ay wala. Kung bakit doon ay parang halos lahat ng driver ay alam ang patakaran sa kalye pero sa atin ay mangmang halos lahat, pati mga tinatawag na educated and professionals.

Iba’t ibang paraan, pero ang requirements ay pareho kada State sa Amerika pag kukuha ng drivers license. Kahit meron ka nang drivers license galing ibang bansa, pag US drivers license ang kukunin mo for the first time, dadaan ka sa parehong proseso.

Sisimulan nila ito ng “classroom education” na kailangan mong bunuin ng 30-hours. Opo, hindi po basta natuto kang magpatakbo ng kotse ay okay ka na, kailangan mo mag-aral ng apat na buong araw ng walong oras kada araw ng driving rules, road rules, traffic and parking rules, freeway driving rules at marami pang ibang rules bago ka bigyan ng tinatawag na learners permit kung ikaw ay 15-18 years old, o drivers test permit kung ikaw ay 18 or above.

Pagkatapos ng 30-oras na classroom education, ang 15-18 years old ay kukuha ng test bago makakuha ng learner’s permit. Kailangan nilang mag-aral ng 50-hours continuous driving experience na naka-log sa isang DMV (Department of Motor Vehicle) application sa mobile phone tuwing magmamaneho sila. Kailangan may kasama silang above 21 adult din palagi.

Pagkatapos nito ay kinakailangan muling sumailalim sa written test ang lahat ng nag-a-apply ng drivers license, bata man o matanda. 100 questions ang test at 3-mistakes lamang ang ibibigay sa iyo. Pag bagsak ka, puwede umulit pero bayad ka ulit ng fee.
Matapos ng written ay ang practical driving test. Sa Nevada (o kahit saan sa Amerika), kailangan kotse mo o ng pamilya mo ang dadalhin sa driving test. Ang dahilan? Bakit ka kukuha ng driver’s license kung wala kang imamanehong kotse. Dito sasakay ang mag-te-test sa iyo. Isang pagkakamali mo at uwian na agad, walang excuse, bagsak ka at ulit ka.

Kung dadaanan mo nang minsanan ang lahat ng prosesong ito ay gugugol ka ng may 2-months ng buhay mo para makakuha ng drivers license. Gagastos ka rin ng aabot sa $850. Pagkatapos nito ay may buwanang gastos ka ng insurance mo na mga $30/month.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending