‘Si Kris sana ang unang Pinay na nakapasok sa Korean showbiz...’ | Bandera

‘Si Kris sana ang unang Pinay na nakapasok sa Korean showbiz…’

Alex Brosas |May 31,2019
facebook
share this

‘Si Kris sana ang unang Pinay na nakapasok sa Korean showbiz…’

Alex Brosas - May 31, 2019 - 01:25 AM

KRIS AQUINO

LAUGH nang laugh ang netizens over Lolit Solis’ revelation na muntik nang makapasok sa Korean showbiz si Kris Aquino.

The botched negotiation for a Korean movie was the only reason why Kris did not make it to the Korean showbiz.
“Sky Castle din pala pinapanuod ni Kris Aquino na siguro walang magawa kaya watch ng Koreanovela sa Singapore. Ang pinapanuod naman daw niya ngayon ang Man to Man.

“Alam mo ba na si Kris Aquino sana ang unang nakapasok sa Korean showbiz kung natuloy negotiation nuon? Nakaupo pa si President Cory may mga taga Korea na nakipag-meeting at gusto kunin si Kris for a movie na gagawin sa Seoul.

“Siyempre hindi pa ganuon kainit ang mga Koreanovela at hindi pa addicted mga tao sa mga korean actor kaya hindi pinansin iyon offer. Naku naisip ko sana nuon pa alam na namin may mga pogi pala Koreans tulad nina Jo Insung at Nam Joo Hyuk sure ako pumayag si Kris.

“Naku ang tadhana talaga, nuon ambassador sa Korea tatay ni Inday Badiday iyon mga poging American soldiers ang type ko habang nasa DMZ kami kung alam ko lang mga pogi Koreans sana nagpaiwan ako at pumasok bilang alalay ni Ambassador Nick Jimenez.

“Imagine 2 chance na pala sana iyon, eh ngayon granny na ako hindi na puwede girlfriend ni Insung at Joo Hyuk. At habang umaandar ang kagagahan sa utak ko, hindi ko maisip na baka kung sakali iyon role sa Frozen Flower ng Queen o iyon sa Last Empress ang ginawa ni Kris Aquino, hah hah hah.

“Now sure ako after watching mga Koreanovela hinayang na hinayang si Kris na hindi niya sineryoso iyon Korean offer sa kanya, sana siya na dyowa ni So Ji Sub o ni Song Joong Ki at give niya sa akin si Jo Insung plus bonus si Nam Joo Hyuk. Grabe, nag iilusyon na naman ako, di bale sa second life ko sabihin ko kay God gawin ako korean princess hah hah.”

‘Yan ang mahabang chika ni Aling Lolit sa IG niya. Kaya lang, na-bash in the process, si Kris.

“Tagalog movie nga di natuto umarte K-drama pa kaya.”

“Iisa lang naman expressions ng face ni Kris! Bagay lang pag natatakot!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending