#DyowaGoals: Relasyong Barbie-Jak mas tumitibay sa asaran | Bandera

#DyowaGoals: Relasyong Barbie-Jak mas tumitibay sa asaran

Jun Nardo |May 31,2019
facebook
share this

#DyowaGoals: Relasyong Barbie-Jak mas tumitibay sa asaran

Jun Nardo - May 31, 2019 - 01:00 AM

JAK ROBERTO AT BARBIE FORTEZA

Marami ang natutuwa sa closeness ng magkapatid na sina Jak Roberto at Sanya Lopez o kilala rin bilang Bida-bida Sibs sa kanilang YouTube vlogs.

Very natural at puro asaran ang ginagawa nila behind the camera kaya mag-e-enjoy ka talagang panoorin ang kanilang mga paandar na video.

Lalong naging interesting ang vlogs ng dalawa dahil kasama sa kanilang kulitan ang girlfriend ni Jak na si Barbie Forteza. Sa latest YouTube entry nga na ipinost ni Barbie ay tila walang sawa ang asaran ng tatlo habang masayang-masaya na nagpapakain ng mga deer sa Japan.

Kahit pa nga halos kalahating oras ang haba ng naturang vlog ay pumalo ito sa kalahating milyon na views kahit na ilang araw pa lang itong naka-upload. Say ng isang netizen, nakakaaliw daw ang tatlo dahil natural at walang boring moments kapag magkakasama sila.

Ang real-life couple na sina Jak at Barbie ay napapanood gabi-gabi sa primetime soap na Kara Mia habang si Sanya naman ay nagpapainit sa hapon ng Kapuso viewers sa newest Afternoon Prime soap na Dahil Sa Pag-ibig.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending