2 aktres walang hiya-hiya; pwet, balakang nagmumura | Bandera

2 aktres walang hiya-hiya; pwet, balakang nagmumura

Cristy Fermin |May 31,2019
facebook
share this

2 aktres walang hiya-hiya; pwet, balakang nagmumura

Cristy Fermin - May 31, 2019 - 12:50 AM

PINAGKUKUWENTUHAN sa isang umpukan ang dalawang babaeng personalidad na napakalakas kuno ng loob na magsuot ng mga seksing damit pero kumustahin naman ang kanilang mga katawan.

Para kasi silang napabayaan sa kusina sa laki ng kanilang bulto. Si Female Personality A ay may show ngayon sa isang higanteng network, kasama niya ang dalawa pang female personalities, parehong payat ang kanyang mga kasama.

Si Female Personality B naman ay hindi gaanong abala sa pelikula, pero lumalabas-labas din siya sa telebisyon, kumakanta ang ate n’yo.

Kuwento ng aming source, “Nakakaloka ang dalawang babaeng ‘yun! Kung makapagdamit sila, ang feeling nila, e, ang seseksi nila!

“‘Yung isa, naka-sleeveless pa, kitang-kita ang laki ng mga braso niya, grabe! Bakit kasi hindi siya makipag-usap sa isang magaling na designer para mapagpayuhan siya tungkol sa tamang pananamit?

“E, di ba, mayaman na siya ngayon? Can afford na siya! Kesa naman sa ganyan na ipinakikita pa niya kung gaano kalaki ang mga braso at legs niya!

“Tama bang magsuot pa siya ng mga damit na mas naglalantad sa sobrang katabaan niya? Nakakahiya ang babaeng ‘yun, feeling-sexy!” tawa nang tawang kuwento ng chikadora naming impormante.

Si Female Pesonality B naman ay dating nagpapaseksi, pero sumpa ng mga Bathala, lumaki siya nang husto at talagang nagmumura ang kanyang mga bilbil.

Sabi uli ng aming source, “‘Yung isa namang ‘yun! Kung makapagdamit, ang akala niya, e, sexy pa rin siya! Ang mga pinipili pa niyang fabric, e, para sa mga tunay na sexy!

“E, sa puwet na puwet pa lang niya, sa balakang niya, kapag kinarne mo ang babaeng ‘yun, e, kaya niyang pakainin ang buong barangay sa makukuhang karne sa kanya!

“Sana naman, e, ilagay nila sa ayos ang pananamit nila! Pareho silang sobrang taba, pero kung makaporma pa sila, e, para bang hindi sila napabayaan sa kusina!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pangaralan sana ng anak niya ang mommy niya, bigyan naman sana siya ng kahihiyan! Si Female Personality B naman, e, kausapin sana ng sister niya, rolyohan sana siya, para hindi na siya nagsusuot ng mga telang hapit na hapit sa nagmumura niyang katawan!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, napakadaling hulaan kung sinu-sino sila. May K ang name nu’ng isa, ‘yung isang syubaelyang girl naman, e, mina ng kasyubaan!” pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending