‘Sikreto’ ni bagitong young actor buking ng tatay sa loob ng kotse | Bandera

‘Sikreto’ ni bagitong young actor buking ng tatay sa loob ng kotse

Reggee Bonoan |May 31,2019
facebook
share this

‘Sikreto’ ni bagitong young actor buking ng tatay sa loob ng kotse

Reggee Bonoan - May 31, 2019 - 12:25 AM

SANA hindi magrebelde ang bagitong aktor dahil sa sobrang higpit ng kanyang ama. Napakarami kasi nitong ipinagbabawal sa bagets na siguradong para na rin sa kabutihan niya.

Kuwento ng aming source, nahuli si bagitong aktor ng tatay niyang may isang kaha ng sigarilyo sa ilalim ng passenger’s seat na nakasiksik ang lighter.

Usually daw ay hindi naman nagtsetsek ang ama nito sa ilalim since siya naman ang laging nagmamaneho para ihatid ang anak sa mga lakad nito.

“Doon kasi itinatago ni _____ (bagitong aktor) ang yosi niya kasi bawal pa siya manigarilyo, hindi naman puwede sa compartment dahil makikita o kaya sa mga gamit niya, kaya doon sa ilalim ng inuupuan niya sa harap itinago sa ilalim na mahirap makita kung hindi mo ito sisiliping maigi,” simulang kuwento ng aming kausap.

Pagpapatuloy niya, “Usually kasi pag hinahatid na siya sa location, aalis si fadir tapos babalikan na lang siya after. So in between na wala ang tatay doon siya nakakayosi.

“Hindi siya naaamoy kasi maraming ek-ek sa katawan, so walang duda. Saka kung maamoy man, sasabihin ‘yung mga kasamahan niya sa set ang nanigarilyo.

“Minsan nag-stay si fadir sa location at siguro nainip kasi matagal pa ang shoot ng anak, naisipang maglinis ng sasakyan, inayos ang loob, pagpagin ang dapat pagpagin, hayun nakitang may nakasuksok sa ilalim ng inuupuan ng anak.

“Hindi muna nagpahalata ang tatay kasi maraming tao sa location. Tapos nu’ng uwian na, kinausap ng ama si bagets sa likod ng sasakyan at ipinakita ang kaha ng yosi, siyempre mega deny, hindi naniwala ang tatay kaya nasampal at may nakakita.

“Hanggang sa pinagtagpi-tagpi ng ama na kaya raw pala minsan amoy yosi ang damit ng anak kasi nga nagyoyosi pala talaga,” tuluy-tuloy na kuwento ng aming source.

Hindi naman bread winner ang bagitong aktor dahil may business ang magulang nito, sobrang mahigpit lang daw ang kanyang tatay dahil ayaw niyang magkaroon ng bisyo ang anak tulad ng mga kaedad nitong artista.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kuwento pa sa amin, kahit pala sa bahay nila ay sobrang higpit ng ama sa bagitong aktor dahil pinalagyan pa talaga nito ng CCTV ang kuwarto nito maliban sa banyo para malaman kung ano ang ginagawa nito kapag wala sila.

Mabait na bata ang bagets, magalang at marespeto pero halatang may itinatago dahil biglang tumatahimik kapag wala na siyang kausap at mahilig mag-isa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending