Mang Dolphy muling 'nabuhay' sa b-day celebration ni Zsa Zsa sa ASAP Natin ‘To | Bandera

Mang Dolphy muling ‘nabuhay’ sa b-day celebration ni Zsa Zsa sa ASAP Natin ‘To

Cristy Fermin - May 28, 2019 - 12:45 AM

DOLPHY AT ZSA ZSA PADILLA

Sa pagdadagdag niya ng edad ay maganda pa rin si Zsa Zsa Padilla. Walang kupas ang kanyang ganda at ang hubog ng kanyang katawan ay nagpapakain ng alikabok sa mga kapwa niya singers na wala pang anak.

Ipinagdiwang ni Zsa Zsa ang kanyang kaarawan nu’ng Linggo nang tanghali sa ASAP Natin ‘To. May spot number siya, hinandugan din siya ng production number ng mga kasamahan niyang singers, at ang pinakahuling pumasok sa entablado ay ang karelasyon niyang si Architect Conrad Onglao.

Walang masama du’n, sila ang nagmamahalan ngayon, kaya natural lang na maging bahagi ng birthday celebration ng magandang singer ang kanyang boyfriend.

Pero totoo ang obserbasyon naming magkakaibigan, habang kinakantahan ni Conrad si Zsa Zsa ay bumiyahe pabalik ang aming alaala nu’ng sila pa ng namayapang Hari Ng Komedya na si Tito Dolphy, ganu’ng-ganu’n din kasi ang eksena.

Nakakalungkot lang dahil nawala man si Tito Dolphy ay buhay na buhay pa rin sa ating presensiya ang kanyang mga nagawa sa industriya bilang sinasaluduhang komedyante.

Sabi ng isang kausap namin sa phone habang pinanonood ang magkarelasyon, “Nakakadalawa na si Zsa Zsa, sana, huwag nang maging tatlo pa.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending