Roxanne Barcelo: Hindi pa naman ako baliw, kinakaya pa!
Pinalakpakan si Roxanne Barcelo after ng screening ng international film na “Way of the Cross” sa bonggang premiere night na ginanap sa SM Mall of Asia cinema kamakailan. Markado kasi ang role ni Roxanne and hopefully, maipalabas na sa Pinas ang movie niya.
“As Maria, kung iko-compare sa last movie ko na ‘Abay Babes’, malayung-malayong po ang role ko dito sa ‘Way of the Cross.’ Of course with a clear direction from T-Boy, Anthony Sr. and the whole production, they really made sure that each of our characters were communicated properly. But there are also a lot of room to create and collaborate. Parang napakalayo po talaga sa lahat ng nagawa ko,” paliwanag ni Roxanne.
Kwento pa niya, when she was doing “Way of the Cross” ginagawa rin niya ang movie nila ng ex-boyfriend na si Will Devaughn, ang “I Found My Heart in Santa Fe.” At kasabay din nang pagti-taping niya ng Wildflower sa Kapamilya Network.
“Iba-iba ‘yung sinu-shoot ko at that time. So, it was such a challenge to be part of different shows and different movies. But at the same time, na-survive naman. Hindi pa naman ako baliw. Ha-hahaha. Kinaya naman po,” lahad niya.
Hindi naman ikinahiya ni Roxanne that she really auditioned for her role as Maria sa “Way of the Cross.”
“Minsan nga parang kahit hindi mo alam ‘yung project basta pasok ako sa requirements, go. Laban lang.
Alam mo I really believe on the process of auditioning. Hindi porke’t ilang taon na tayo sa showbiz, walang ganoon lalo na ngayon kasi wala po akong management,” pag-amin ng aktres.
Natapos na ang limang taong kontrata ni Roxanne sa Viva and thankful naman siya sa lahat ng ginawa sa kanya ng dati niyang talent management.
Sa ngayon ayaw pa raw muna niyang magpa-manage dahil gusto niya munang maintindihan kung ano talaga ang gusto niya at kung ano ‘yung kayang i-offer ng industriya para sa kanya.
“Parang laging tanong ko sa sarili ko, ‘What do I want next?’ Sa ngayon ‘yun ’yung tanong ko. Siguro madi-discover ko after ng ‘Way of the Cross.’ Kapag napanood natin, uh, kasi sabi nila, ‘Well, keneshh-kenesh.’ Weeeh!” natatawang pahayag pa ng Roxanne.
Puring-puri kasi ng producer at direktor ng “Way of the Cross” na si Anthony Diaz V ng Kaizen Studios ang performance ni Roxanne sa movie.
“Kinikilig naman ako sa thought na ‘yun pero it’s just a dream. Pero tingnan natin kung kakayanin ko. I have been, alam n’yo naman kung gaano ako kadesidido sa pagiging character actress. ‘Yun ‘yung ginawa ko rito, binigay ko lahat. Maybe 120%. Char!” aniya pa.
In fairness, ginulat talaga ni Roxanne ang mga nakapanood ng “Way of the Cross” nu’ng premiere night. Kaya ang daming nag-congratulate sa kanya.
Hopefully, maipalabas on a regular run sa Pinas ang “Way of the Cross.” Kasama rin dito sina Alvin Anson, Rafael Rosell, Yuseff Esteves, Manu Respal at marami pang iba. Bida rin sa movie ang Fil-Am actor-director na si Anthony Diaz V.
Tungkol naman sa lovelife niya, inamin ni Roxanne na may “nag-o-audition”, “Pag alam mo ‘yung gusto mo, ‘pag sobrang sakto? Napakahirap hanapin. Hindi sa pigiging pihikan or anything. It’s just, nasaktan ako, e. Nasaktan din ‘yung minahal ko. So, kumbaga, sabi nga nila, when you know, you know. Pero hindi rin, e.
“So, minsan kinakausap ko talaga ‘yung sarili ko, ‘Mars, kaya pa ba natin?’ I’ve experienced so many great blessings. Nagmahal ako nang napakabuti na tao. Binigay ko rin ‘yung best ko. But I believe God is very specific and the best is yet to come. Ganu’n din sa career,” sabi ng dalaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.