Korean Superstar Seo Kang Joon na-in love agad sa Pinas | Bandera

Korean Superstar Seo Kang Joon na-in love agad sa Pinas

Bandera - May 26, 2019 - 12:10 AM

SEO KANG JOON

NA-IN love agad ang Korean superstar na si Seo Kang Joon sa Pilipinas. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapunta siya sa bansa at puring-puri niya ang kabaitan ng mga Pinoy.

Binigyan ng grand welcome ng Kapuso Network si Kang Joon kamakailan at iniharap pa sa entertainment media para personal na mag-promote ng kanyang hit KDrama sa GMA, ang Are You Human?.

Ilang masuwerteng Pinoy fans din ang inimbitahan ng GMA para makita up close and personal ang Korean actor na talaga namang kilig na kilig sa kanilang oppa.

Mula sa airport dumiretso si Kang Joon sa kanyang hotel sa Quezon City para makapagpahinga muna bago pumunta sa GMA Network para nga sa kanyang presscon.

“I just landed in the Philippines today, but my impression is that everyone is so beautiful in the Philippines and very friendly,” aniya.

Bukod sa social media, natutuwa rin ang Korean heartthrob dahil nakikilala at nakaka-bonding din niya ang kanyang supporters all overthrough fan meetings, “I connect with my fans through social media and also through fan meetings like these, thankfully as well as through my projects.”

Kahapon, pinasaya nang bonggang-bongga ni Seo Kang Joon ang kanyang Pinoy fans sa ginanap na grand fans day sa New Frontier Theatre presented by CDM Entertainment and MaxPerience Entertainment.

Samantala, sa Are You Human? gagampanan ni Kang Joon ang karakter ng mayaman at maimpluwensyang si Nam Shin at ang android (robot) version niyang si Nam Shin III.

Sa ginanap na mediacon, natanong si Seo Kang Joon kung ano ang feeling niya na ipalalabas na rin sa Pilipinas ang Tagalized version ng kanyang award-winning Korean series.

“It’s been a while since this has been filmed but when I heard that it was going to be aired in the Philippines I was very excited but also nervous because I really wanted to give the Philippine fans the best project possible.

“The series shows my two roles, it has a sci-fi genre and a little bit of rom-com, and also a bit political but mostly I just want the Filipino fans to relate to the character because they have a lot of human characters they can relate to,” sagot ng aktor.

Nakilala nang husto si Kang Joon bilang si Baek In Ho sa top-rated romantic comedy series Cheese in the Trap na umere rin noon sa GMA. At ngayon nga, muli niyang pakikiligin at pabibilibin ang Kapuso viewers sa Are You Human?.

Ang Are You Human?’ ay kuwento ng isang scientist na napilitang lumayo sa kanyang anak na si Nam Shin. At para maibsan ang pangungulila, nag-imbento siya ng tatlong AI (artificial intelligence) robots na kamukhang-kamukha ng anak.

Samantala, makalipas ang ilang taon malalagay sa panganib ang buhay ni Nam Shin kaya gagawin ng mga taong nagmamahal sa kanya ang lahat para protektahan siya. Ano nga kaya ang mangyayari kapag nagkrus ang landas ng taong si Nam Shin at ng android version niya?

Dahil sa ipinakita niyang akting, binigyan ang tinaguriang “android oppa” ng Excellence Actor Award sa 11th Korea Drama Awards at Best Couple Award with his on-screen partner, Gong Seung Yeon, sa nakaraang 32nd KBS Drama Awards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang Are You Human? simula ngayong Lunes, May 27, pagkatapos ng Love You Two sa GMA Heart of Asia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending