Tambalang Seo Kang Joon, Park Min Young muling magpapakilig

By Bandera November 08,2019
share this

Tambalang Seo Kang Joon, Park Min Young muling magpapakilig

By Bandera November 08,2019
share this

PARK MIN YOUNG AT SEO KANG JOON

Magsasama naman ang Korean heartthrob na si Seo Kang Joon at ang magaling na aktres na si Park Min

Young sa isa na namang romantic drama na I’ll Go to You When the Weather Is Nice.

Makakasama nila rito ang rising rookie actor na si Lee Jae Wook.

Iikot ang kuwento ng I’ll Go to You When the Weather Is Nice sa buhay ni Hye Won (Min Young) na isang ordinaryong babae na tumutugtog na ng cello simula pa pagkabata.

Dahil sa mga naranasan, walang tiwala si Hye Won sa mga tao. Nagdesisyon siyang iwan ang Seoul at bumalik sa kanyang hometown sa Bookhyun Village.

Doon niya nakilala si EunSeob (Kang Joon) na nagpapatakbo ng isang bookshop. Nagbago ang buhay ni EunSeob nang makilala si Hye-Won.

Gaganap naman si Jae Wook bilang Lee Jang Woo, ang kaibigan ng ni Eun Seob.

Nakatakdang mapanood ang I’ll Go to You When the Weather Is Nice sa unang bahagi ng 2020.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending