Gustong mag-miyembro sa PhilHealth, paano? | Bandera

Gustong mag-miyembro sa PhilHealth, paano?

Liza Soriano - May 25, 2019 - 12:15 AM

MAGANDANG araw po Aksyon Line. Nais ko po sanang magpatulong sa aking PhilHealth. Ako po si Kristine Esguerra, 20 years old, nakatira po sa Paco, Manila. Kakagraduate ko lang po noong nakaraang taon sa kursong Mass Communication at ngayon po ay nagtatrabaho po ako sa isang kompanya sa Makati. Mag-iisang taon na po ako sa trabaho at wala pong PhilHealth ang kompanya. Paano po ba ako makakapag-apply? Ano po ang mga requirements na kailangan?

Umaasa po ako na matutulungan ninyo po ako. Maraming salamat po.

REPLY: Pagbati mula sa PhilHealth!

Maraming salamat po sa inyong interes sa National Health Insurance Program.

Nais po naming ipabatid na kung ang isang nagnanais magpa-miyembro na kasalukuyang konektado sa isang kumpanya ngunit walang employee-employer relationship o ang naturang ahensya ay hindi pa rehistrado sa PhilHealth ay maaaring mapabilang at magparehistro bilang isang PhilHealth member sa
ilalim ng Informal Economy Program.

Narito po ang mga paraan ng pagpapa-rehistro sa ating programa:

A. Sa pamamagitan ng online registration:

1. Bisitahin ang aming website o i-access ang https://eregister.philhealth.gov.ph/
2. Matapos ang successful registration, matatanggap ang inyong MDR sa pamamagitan ng email
3. Bumisita sa kahit saang tanggapan ng PhilHealth upang makakuha ng PhilHealth ID; at
4. Magbayad ng kaukulang premium contributions.

B. Sa pamamagitan ng Over-The-Counter o sa PhilHealth Local Health Insurance Offices (LHIO):

1. Punan ang PhilHealth Member Registration Form (PMRF)
2. Maglakip ng mga dokumento [halimbawa: birth certificate, marriage certificate at iba pa (kung kakailanganin)]
3. Isumite ang mga ito sa pinakamalapit na tanggapan ng PhilHealth
upang makuha ang inyong PhilHealth ID at MDR; at
4. Magbayad ng kaukulang premium contributions.

Premium contribution para sa Individually Paying Program/Informal Economy Members
Informal Economy Members na may buwanang kita ng hanggang P25,000.
P2,400 bawat taon
P1,200 semi annual
P600 bawat quarter
P200 kada buwan
Informal Economy Members na may buwanang kita ng higit sa P 25,000.
P3,600 bawat taon
P1,800 semi annual
P 900bawat quarter
P 300 kada buwan

Nais po naming ipaalala na maaari po
kayong magbayad ng in-
yong premium contributions sa PhilHealth Local Health Insurance Office (LHIO) o sa mga Accredited Collecting Agents (ACAs). Para sa kumpletong listahan ng ACAs, pakisundan ang link: https://www.philhealth.gov.ph/partners/collecting/.

Sana po ay amin
kayong natulungan.

Lubos na
gumagalang,

CORPORATE
ACTION CENTER
Hotline: (02) 4417442
Text Hotline:
(0917) 8987442
Website:
www.philhealth.gov.ph
Email: [email protected]
FB: https://www.facebook.com/PhilHealthofficial/
Twitter: https://twitter.com/teamphilhealth
Youtube: www.youtube.com/teamphilhealth

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending