Si Cong asar-talo pag tinatawag na bakla | Bandera

Si Cong asar-talo pag tinatawag na bakla

Den Macaranas |May 24,2019
facebook
share this

Si Cong asar-talo pag tinatawag na bakla

Den Macaranas - May 24, 2019 - 12:15 AM

HANGGANG ngayon pala ay apektado pa rin ang isang pulitiko na bagong halal na kongresista kapag siya’y inaakusahan ng pagiging bakla.

Kahit sa isang simpleng biruan ay hindi pwedeng sabihin ang salitang “bakla” kung si Sir ay nasa paligid lang.

Noong nakalipas na halalan ay sadyang may mga pasaway na constituent ang ating bida.

Ilang beses daw siyang tinawag na bakla ng ilang pa-saway na botante pero dahil kailangan ng boto ay chill lang kunwari si Sir.

Sinabi ng aking Cricket na ilang beses niyang nakita ang panggigigil ni Cong pero wala siyang ma-gawa dahil asar-talo nga naman sa mga ganitong kantiyawan.

Ngayong laman na naman ng balita ang ating bida dahil sa ginagawa niyang pagbabanta sa mismomg partido na kanyang kinaaaniban ay malamang na ang salitang “bakla” rin ang gamitin laban sa kanya ng mga personalidad na isa-isa na niyang binabangga.

Noong bago pa lamang sa pulitika si Sir ay ilang beses na itong nahusgahan bilang may pusong babae at kahit ilang taon na rin siyang kasal ay hindi na naalis sa kanyang pagkatao ang nasabing marka.

Sa totoo lang kasi ay masyadong matabil si Sir na ilang beses na ring nahalal sa mataas na posisyon at naging opisyal na rin sa kasalukuyang administrasyon.

Ang bida sa ating kwento ngayong araw na matagal nang pinagdududahan ang kanyang pagkalalaki ay si Mr. C…as in Coyote.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending