Mag-utol sa showbiz napahiya nang matalo ang tatay sa eleksyon 2019; nanay super cry | Bandera

Mag-utol sa showbiz napahiya nang matalo ang tatay sa eleksyon 2019; nanay super cry

Cristy Fermin - May 24, 2019 - 12:45 AM

PARA matakpan ang matindi nilang kalungkutan sa pagkabigo ng kanilang kapamilya ay sinasabi na lang ng magkapatid na babaeng personalidad na ayos lang sa kanila ang lahat.

Paulit-ulit pang sinasabi ng magkapatid na ganu’n talaga ang buhay, kung may nananalo ay meron ding natatalo, pero ang mahalaga ay hindi pa naman katapusan ng mundo.

Okey lang daw sa kanilang mag-iina ang lahat, marami pang natitirang panahon, kaya maluwag sa puso nilang tanggap ang pagkabigo ng kanilang minanok sa laban.

Pero kuwento ng aming source, “Naku, sinasabi na lang nila ang ganyan, pero ang totoo, e, sobrang saklap ng nangyari para sa kanila! Lalo na para du’n sa mudrakels nila, aysus, iniyakan niyang mabuti ang naganap sa kandidato nila!

“Ganito ‘yun. Iba na kasi ang process ng botohan ngayon. Kung dati, e, mano-mano pa, ngayon, alam na agad ng mga kandidato kung panalo sila o waley!

“Mabilis na nilang nalalaman ang results, sa totoo lang, bago maghatinggabi, e, alam na kung sino ang nanalo at ang uuwing luhaan!

“Maaga-aga pa nu’n, nandu’n ang pamilya ng pulitiko sa building nila na ginawa nilang opisina. Nandu’n silang lahat nu’ng bilangan. Natural, ninenerbiyos ang tropa, kasi nga, balitang-balita na malakas ang kalaban nila.

“At totoo namang malakas ang kalaban, milya-milya ang layo sa pudrakels ng magkapatid, pinakain kaya sila ng alikabok ng kalaban nila!” unang chika ng aming source.

Nu’ng malaman ng grupo na wala nang pag-asang manalo ang manok nila ay nagsiguro na ang kanilang mga watchers, kailangan na nilang getlakin ang kanilang talent fee, mahirap na nga namang hindi sila makasingil.

“Du’n sa second floor ng building, e, bigla na lang nilang narinig ang pag-atungal ng isang babae! Parang kinakatay na baka ang lakas ng pag-iyak niya!

“Si madir pala ang umiiyak nang pagkalakas-lakas! Hindi niya matanggap na natalo sa laban ang dyowa niya! Kaya tantanan ng magsyupatid na ‘yun na okey lang sa kanila ang lahat-lahat!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Naku, ‘no! Asang-asa kaya sila na mananalo ang manok nila dahil sikat kuno silang magkapatid!” nakairap na pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, pangaralan n’yo ang magkapatid na ‘yun, tantanan na nila ang mga drama!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending