Promise ni Vice sa ina: Tapos na ang pagdurusa, at isinusumpa ko tatanda siyang maginhawa…

By Ervin Santiago May 23,2019
share this

Promise ni Vice sa ina: Tapos na ang pagdurusa, at isinusumpa ko tatanda siyang maginhawa…

By Ervin Santiago May 23,2019
share this


PINUSUAN ng libu-libong netizens ang latest Instagram post ni Vice Ganda tungkol sa kanyang pinakamamahal na ina.

Maraming na-touch sa mensahe ng TV host-comedian para kay Mommy Rosario na aniya’y napakaraming isinakripisyo para sa kanilang pamilya. Narito ang madamdaming caption sa litrato ng kanyang madir sa IG.

“Naaalala ko pa noong bata pa ako lagi akong bitbit ng Nanay ko kung saan man siya pupunta. Kung kayang lakarin maglalakad lang kami. Kung di naman magta-tricycle kami o sasakay ng jeep.

“At tuwing sasakay kami ng tricycle o ng jeep lagi nya akong kinakandong. Yun ay para isa lang ang bayad. Kasi nga kapos sa pera. Mainit, masikip at masakit sa binti. Kawawa.

“Pero tinitiis niya yun. Pero masaya din naman siguro sya kasi nakayakap lang sya sa bunso nyang si Tutoy habang bumabyahe,” sabi ng It’s Showtime host.

Pagpapatuloy pa niya, “Malinaw sa isip ko bata pa lang ako na hindi madali ang buhay namin. Kaya nagsumikap ako. Nagsakripisyo. Nag ipon. Di ko pinalampas ang mga pagkakataon.

“Kaya naman ngayon na nakakaluwag luwag na ko naka BUSINESS CLASS na siya. Gumastos man ako ng malaki sisiguraduhin kong komportable ang Nanay ko. Walang ngalay. Walang ngawit. Walang init.

“Hanggang sa huling sentimo ng naipon ko gugugulin ko sa Nanay ko. Tapos na ang mga panahon ng pagdurusa niya. Isinusumpa ko tatanda siyang maginhawa,” pahayag pa ni Vice.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending