Doktor na nang-away kay Angel ‘sunog’, fans ibinandera lahat ng tulong ni Darna

By Alex Brosas May 23,2019
share this

Doktor na nang-away kay Angel ‘sunog’, fans ibinandera lahat ng tulong ni Darna

By Alex Brosas May 23,2019
share this


BINASAG-BASAG ang doctor na nanglait kay Angel Locsin.

Bilang depensa, ipinakita ng ilang fans ni Angel ang mga kabutihang nagawa niya especially noong may mga kalamidad.

Totoo namang matulungin si Angel, nangunguna siya sa pagtulong kapag may matinding bagyo sa bansa.

Siya pa mismo ang namamahagi ng sarili niyang relief goods. One time, ibinenta pa nga niya ang isa niyang “muscle car” para lang sa mga nasalanta ng bagyo. Ganoon siya kabuting tao.

Wala naman sa hulog ang pagtataray ng doctor na parang fake naman kasi she’s using an account na wala siyang mukha at hindi totoo ang kanyang pangalan.

Nag-react ang fans ni Angel and they collectively bashed the doctor.

“The ‘doctor’ reeks of insecurity with Angel’s ‘artista’ status and at the same time, thinks her profession makes her better than anyone else.”

“The DOCTOR is not a doctor. Mukhang kulang sa English at mababaw ang mga posts niya. Walang laman. Angel, ignore this wanna be doctor. Troll ito. @donnz, reveal your name Kung talagang doctor ka. Impostor. Sana mahuli ka.”

“Burn na burn yang doctor na yan wala naman dito sa Pinas kung makaasta kala mo may natulungan.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending