Sey ni Direk: 'Sikat, matalino, mayaman, pero nakakaawa pa rin si Kris Aquino!' | Bandera

Sey ni Direk: ‘Sikat, matalino, mayaman, pero nakakaawa pa rin si Kris Aquino!’

Cristy Fermin - May 23, 2019 - 12:20 AM


SA totoo lang, mahirap din ang kasalukuyang sitwasyon ng buhay ni Kris Aquino. Wala na siyang talk show kung saan niya maipaparada ang mga branded niyang kagamitan.

Wala na siyang show kung saan siya makapagkukuwento tungkol sa personal niyang buhay, nakakalungkot ang ganu’n, kaya hindi siya dapat i-bash kapag labas siya nang labas ng mga impormasyon tungkol sa kung anu-ano ngayon.

Sa social media na lang kasi siya nagkukuwento, para pa namang ikamamatay ni Kris kapag hindi siya nagsalita nang nagsalita, kaya kahit anong detalye na lang tungkol sa buhay niya ay sige siya sa kapo-post.

Aba, maging si Kris man tayo ay mahirap ang kanyang kalagayan ngayon, nasanay siyang may talk show kung saan niya nailalabas ang kanyang mga saloobin pero pinagdamutan na siya ng kapalaran.

Pati ba naman ang pagkauntog niya sa tray ay ilalabas pa, tanong ng kakuwentuhan naming direktor, pero naisip din naman ni direk na oo nga, nakakaawa nga naman si Kris, dail wala na siyang paraan ngayon para mailantad ang mga pinaggagagawa niya.

Mahirap ang walang pinagkakaabalahan, maraming naiisip gawin na kung minsan ay parang OA na, hindi katanggap-tanggap para sa ating mga kababayan.

Nasanay pa naman si Kris na maagang gumigising nun para maaga rin siyang makapag-report sa kanyang taping, halos wala na siyang pahinga nu’n, na kabaligtaran ng kanyang sitwasyon ngayon.

Sabi ng isang nakakuwentuhan namin, “Oo nga, nakakapanibago nga ang buhay niya ngayon, wala kasi siyang work. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na magkakaganyan pala siya?

“Sikat, matalino, pero pinagsaraduhan siya ng pintuan ng network niya. Oo nga, nakakaawa nga si Kris,” komento ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending