Mariel ayaw pang sabihin kay Robin ang gender ng 2nd baby | Bandera

Mariel ayaw pang sabihin kay Robin ang gender ng 2nd baby

Reggee Bonoan |May 23,2019
facebook
share this

Mariel ayaw pang sabihin kay Robin ang gender ng 2nd baby

Reggee Bonoan - May 23, 2019 - 12:15 AM


SA Nobyembre ang due date ni Mariel Rodriguez-Padilla para sa pagsilang ng ikalawang anak nila ni Robin Padilla.

Ayon sa TV host, ito rin ang buwan ng kapanganakan ng asawa’t panganay nilang si Isabella. Kaya ang biro namin, mukhang pinlano talaga nila ni Binoe ang kanyang pagbubuntis.

Anyway, nitong Miyerkules nang umaga ay nag-post si Mariel sa kanyang Facebook account na alam na niya ang gender ng pangalawang anak nila ni Binoe.

Aniya, “I already know the gender of my baby and I want to screaaaaaaam!!!!! So excited!!! I won’t share it yet because I will have a gender reveal. Only Castillo Amy (because hindi siya pumayag na hindi namin sabay tingnan yung results hahaha), my bestfriend Coco Galang and my ate Kaye Termulo-Garcia know.

“Ha ha ha! Not even Daddy Robin Padilla knows. It will be a surprise!!! God is so good. He knows what my Isabella needs.”

Tinext namin ang It’s Showtime host at sinabi namin kung ano ang aming hula sa gender ng bay number 2 nila ni Robin, pero ang sagot lang niya sa amin ay, “Hahahaha! Surprise.”

Masaya kami para kay Mariel dahil matagal na rin niyang gustong magkaroon ng kalaro si Isabella.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending