#Obvious: Karen Davila na-starstruck kay Vico

By Ronnie Carrasco III May 23,2019
share this

#Obvious: Karen Davila na-starstruck kay Vico

By Ronnie Carrasco III May 23,2019
share this


NATISOD namin ang guesting ng noo’y ‘di pa ipinoproklamang Pasig City mayor na si Vico Sotto sa programa ni Karen Davila.

Bago pormal na gumulong ang panayam, halatang starstruck si Karen sa kanyang panauhin.

Oo naman, who wouldn’t get charmed by the 29 year-old guy na nagtapos ng Political Science sa Ateneo?

Simpatiko, magaling magsalita, someone who could pass for a movie star pero mas ginustong pumalaot sa ibang larangan kesa sundan ang yapak ng kanyang mga magulang.

Kung tutuusin, competitive edge na lang ni Vico ang kanyang killer looks. This guy certainly knows what he’s talking about. Klaro ang kanyang vision para sa Pasig City.

But this item isn’t actually on Vico, but on Karen.

Dalawang beses niya kasing pinapurihan ang noo’y mayor-wannabe pa lang sa ‘di nalalayong hitsura nito sa kanyang amang si Vic Sotto.

Sey niya kay Vico, “You’re the ‘SPLITTING IMAGE’ of your dad!”

The first time we heard it, akala nami’y may diperensiya lang ang aming sense of hearing. Nang ulitin ‘yon ni Karen, we thought it was her “sense of grammar” na may mali.

Sa true lang, nalagas tuloy ang aming SPIT ENDS!

Wonder why Vic and Coney Reyes had “spit” up many years ago.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending