GMA 7 may bonggang pa-welcome kay Seo Kang Jun ng ‘Are You Human?’ | Bandera

GMA 7 may bonggang pa-welcome kay Seo Kang Jun ng ‘Are You Human?’

Bandera |May 22,2019
facebook
share this

GMA 7 may bonggang pa-welcome kay Seo Kang Jun ng ‘Are You Human?’

Bandera - May 22, 2019 - 01:05 AM

SEO KANG JUN

Nagbabalik ang Kapuso oppa na si Seo Kang Jun para pakiligin muli ang Filipino viewers!

Ang Korean superstar ang bibida sa pinakabagong Tagalized series na Are You Human? na handog ng GMA Heart of Asia na ngayon pa lang ay inaabangan na ng kanyang mga Pinoy fans.

Ang balita namin, may grand welcome ang kanyang mga supporters at ang GMA 7 para sa kanya ngayong linggo!

Matatandaang si Seo Kang Jun din ang isa sa mga bida ng K-drama na Cheese in the Trap na ipinalabas sa Kapuso network noong 2018.

Malapit na ang pagbabalik ng award-winning Kapuso “android oppa” sa TV kaya abangan ang Are You Human? sa GMA simula May 27, pagkatapos ng Love You Two sa GMA Telebabad.

Samantala, bibisita rin si Seo Kang Jun sa Pilipinas ngayong May 25 para sa isang fan meet na magaganap sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City. Exciting!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending