Love triangle posibleng motibo sa pagpatay sa isang retiradong pulis, gf sa Isabela
SINABI ng pulisya na love triangle o personal na galit ang tinitingnang motibo sa pagpatay sa isang retiradong pulis at kanyang girlfriend sa Isabela noong Lunes.
Kinilala ang mga biktima Edralino Domingo, 63, isang retiradong senior police officer sa bayan ng Aurora at Jane Dagman-Tul-o, 45, isang jewelry re-seller mula sa bayan ng Soliven.
Base sa imbestigasyon tumakbo si Domingo bilang kagawad sa nakaraang eleksyon bagamat natalo, samantalang dating Overseas Filipino worker (OFW) si Dagman-Tul-o.
Dead on the spot ang dalawa.
Narekober mula sa pinangyarihan ng krimen ang 23 gamit na bala ng M-16 rifle at magazine ng .45-cal. Inquirer.net
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.