Blackwater Elite naungusan ang Meralco Bolts sa overtime
Mga Laro sa Miyerkules (Mayo 22)
(Ynares Center, Antipolo City)
4:30 p.m. NorthPort vs Alaska
7 p.m. NLEX vs TNT
NAISAGAWA ni Bobby Ray Parks Jr. ang kanyang PBA debut at tinulungan niya ang Blackwater Elite na maungusan ang Meralco Bolts, 94-91, sa overtime sa pagbubukas ng 2019 PBA Commissioner’s Cup Linggo sa Mall of Asia Arena, Pasay City.
Nagtala si Blackwater import Alex Stepheson ng 21 puntos at 31 rebound para pamunuan ang Elite habang si Parks, ang No. 2 overall pick sa 2018 Rookie Draft, ay nagdagdag ng 20 puntos at walong rebound.
Nag-ambag din si Mike DiGregorio ng 21 puntos habang si Allein Maliksi ay may 12 puntos para sa Blackwater, na nagawang makabangon buhat sa 11 puntos na paghahabol sa ikatlong yugto.
Pinangunahan naman ni Gani Lawal ang Bolts sa ginawang 34 puntos at 21 rebound.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.