Andrea, Francine, Seth, Kyle hataw bilang ‘Gold Squad’
GOING back to Seth, relate na relate raw siya sa karakter niyang Mikoy sa KG dahil batang kalye rin daw siya, “Natatawa po ako kasi lumalabas na ang yaman ng damit ko pero laking kalye.”
At dahil aabutin pa hanggang sa susunod na taon ang serye ay ano ang gustong mangyari ng apat na bagets sa kanilang career, pabor ba silang ipagpatuloy ang kani-kanilang loveteam o mas gusto nilang magkanya-kanya muna sila pagkatapos ng KG.
Say ni Kyle, “Para sa akin po tatanggapin ko lahat ng blessings na ibibigay sa akin kung ano po ang plano sa amin ng management. Whatever it takes kahit magsolo-solo po kami or duo or kaming apat pa rin, I’m still very thankful.”
“Ako po gusto ko rin ng loveteam at marami pa ang marating naming apat po. Sa tingin ko po okay sa akin ang loveteam,” sambit ni Seth.
Para kay Andrea, “Kung ano po ang io-offer sa akin, yun po ang tatanggapin ko. Gusto ko lang po talagang umarte, so kung ano po ang ibibigay tatanggapin ko.”
“Same rin po ang answer ko like Blythe (Andrea) kasi hindi naman po ako namimili kung ano lang po ang darating, tatanggapin ko, ‘yun lang po,” saad ni Francine.
Sa tanong kung kanino mapo-fall ang apat sa mga karakter na ginagampaman nila. Nadulas si Seth na nagsabing ang tipo niya sa babae ay katulad ng karakter ni Andrea bilang Marga na pasaway.
Si Kyle naman, “As Krisof po, I kinda fell in love in the character of Cassie kasi mabait talaga sa lahat. Gusto ko sa tao ang very easy to go with, very mabait po sa lahat sa pamilya and more friendly.”
Say naman ni Andrea, “Ako po kay Mikoy kasi parang masaya siyang makasama. Gusto ko rin ‘yung masaya may thrill, laging may ganap at saka po sobrang funny ni Mikoy kasi doon ako nakukuha kapag lagi akong napapatawa. Di ba lahat tayo gusto natin napapatawa tayo.”
Para kay Francine, “Hindi po kasi ako ma-adventure so ang gusto ko po si Kristof. Kasi nabibigay niya po ‘yung hindi ko naman hinihiling pero, saka pure love kasi loyal siya since bata pa po, si Cassie lang nagustuhan niya.”
Anyway, hindi natitinag sa ratings game ang Kadenang Ginto na umabot na sa 27.3% base sa Kantar Media at umabot na sa 800 million ang views ng daily highlights nito sa YouTube.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.